Chap. 23

4.5K 139 2
                                    

Chap. 23

AN : MAGSAWA KAYO SA HABA!  walang edit nga lang...

Ilang araw na ang nakalipas na natiling tahimik lamang si Blue. Iniiwasan n’yang kausapin ang mga tao sa loob ng kanilang bahay. Nanatili si Blue sa kanyang silid.

TOK TOK TOK

“Tuloy.”

Bumukas ang pinto at pumasok sa silid ni Blue ang kanyang ama.

“Anak..may nais ako sabihin sa ‘yo.”

“Kung pag-uusapan natin ay tungkol sa pagpapakasal ko kay Claudine; pwede ba bigyan ninyo ako ng katahimikan. Pa, our business is okay. You don’t need to worry. At kahit anong banta pa nila sa atin wala silang magagawa. Hindi na nila kayang pabagsakin ang negosyo natin.”

“Blue, alam kong nagmamatigas ka dahil kay Red. At ang galit ng iyong ina sa aming nakaraan ay nanatili sa kanyang dibdib. At heto, nagiging komplikado ang lahat. Anak, bakit ba hindi mo kayang mahalin si Claudine? Pwede mo naman s’yang pambigyan.”

“Pa, hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit. Ang gusto ko lang ay ayaw kong matali sa kanya.”

“Anak, minsan kailangan mong mamili. Ang kinabubuhay natin..ang pamilyang ito...at ang buhay ni Red.”

“Anong ibig n’yong sabihin? Red is in danger.”

“Maaring ganun na nga. Makapangyarihan at tuso ang pamilya nina Claudine. Anak, si Red ay inosente sa mga posibleng mangyari. Kaya nga napilitan din akong magpakasal sa iyong ina noon dahil ayaw kong madamay si Gloria. Tignan mo si Tito Samuel mo..hindi ba’t walang tumutulong sa kanila na kadugo natin. Mabuti na lang ay hindi umalma ang lolo’t lola mo noon. At nagkataon na walang pang ipinagkasundo sa Tito Samuel mo. Ako na lang ang lumilingon sa kanila...at kayo ni Gray. Blue, kailangan ninyo ni Gray ang may makakapitan. Kaya namin kayo ipinagkasundo sa mga kilalang pamilya. Sinong magulang ang gustong maghirap ang anak? Di ba wala?”

Hindi na nagsalita si Blue.

“Ang estado ng pamilya ang mahalaga sa inyo..”

“Blue, our family’s wealth survive for many years. And we want to keep our wealth for the next generation. Mamanahin ng mga anak at apo mo ang matatag na pondasyong ito. Kung mahal mo ang pamilyang ito..YOU HAVE TO SACRIFICE.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon