Chap. 6

7.3K 217 3
                                    

BLUE’S POV

Wahahahaha...Naisahan ko na naman si Red. ( Smirk )

Akala n’ya masisindak n’ya ako sa pagtataray n’ya. Wahahahaha..tsikboy yata ito. ( ngiting aso agad. )

Tignan ko lang kung hindi tutuwid si Red. Naiimagine ko na s’yang nakasuot ng palda..nakamake-up..mahaba ang buhok..babae ang kilos...at...

‘Tang ina ayaw ko ng may manliligaw sa kanya! Ako ang magpapakahirap na baguhin s’ya tapos ibang makikinabang. Tsk! Ayaw ko. Hindi pwedeng may iiskor sa kanya.

Pero kailangan ko ng isang strategy..‘yong tipong kakagat s’ya sa offer ko. ‘Yong hindi ako magpapakahirap..Ewan ko ba, bakit naging trip ko s’yang MAISAHAN. Hindi ko naman s’ya gusto..Bakit nga ba?

Para akong tanga! Nagawa ko pang mag-offer ng bayad para lang sa isang halik ni RED. Sino ba si Red? She’s so simple. But because of her I’m acting strange . I want something new when I get home. Gusto kong may naghihintay sa akin.. AT GUSTO KO S’YA ANG MAAABUTAN KO SA LOOB NG PAMAMAHAY KO. MINSAN NAISIP KO; HINDI KAYA AKO KINULAM NG MGA NAGING BABAE KO? SI RED PA NAPAGTRIPAN KO NGAYON.

Hindi, hindi ko pwedeng saktan si Red. Mahihiya ako kay Nanay Meding. Kung tatanggapin man n’ya itong offer ko merong dahilan; and I KNOW MY LIMIT. Sanay na ako sa mga bagay na ito. Kung gusto kong lumabas at tapusin ang lahat magagawa ko. At alam kong, kasing tigas ng bato si Red. Hindi s’ya MAHUHULOG SA AKIN..LAHAT MAY LIMITASYON.

RED’S POV

Ito na! Ito na ang ayaw ko kay Blue. Walang pinapaltos. Lahat gustong subukan. Saan ba ang hiya ng lalaking ‘yon? Kelan ba darating ang panahon na SANA S’YA NAMAN ANG HIHINGI NG UTANG NA LOOB SA AMIN?

Bakit kasi ako pa ang humalili kay Nanay? Paghindi ko naman sinunod si Nanay malilintikan ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Nanay o sa mga pinsan ko ang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta dito sa pamamahay n’ya. Naku, ano bang pumasok sa utak n’ya at naisipan n’ya ang ganung bagay? Teka, hindi kaya MAY PAGNANASA S’YA SA AKIN? Mmmmm...pwede rin. Ang mga taong tulad n’ya WALANG SASANTOHIN..Go lang ng go! Basta mailabas ang init ng katawan. Bwisit! At ako pa ang napili. Tsura n’ya!

-------------------------------------------

Tinapos ni Red ang kanyang mga gawain sa loob ng bahay. Palabas na si Red ng gate nang napansin nitong makulimlim ang buong paligid. Nagbabadya ng isang malakas ng ulan. Dali daling umuwi si Red at tinungo ang loob ng bahay at niligpit ang kanilang mga sinampay sa labas.

KRINGGG KRINGGGGGG KRINGGGGG

Hello.

( Red, hindi muna ako uwi ng ilang araw..may paparating na bagyo. Mahirap ang daan ngayon. )

Nay, kailan kayo babalik dito?

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon