"Ano naman?" itong lalaking ito, bigla nalang nagtatampo.

"Una, hindi mo ako binigyan ng Hello Kiss. Tapos--"

"Hello Kiss?" natatawa kong tugon.

"Oo!Hello kiss" pag-uulit niya pa na para bang hindi ko naiintindihan

"Tapos?"

"Tapos ngayon lang hindi mo ako tinawag na 'Honey'" pinakitaan niya ako ng malungkot na mukha.

Lumapit ako sa kaniya, binigyan ko siya ng Hello Kiss kuno.

"Ayan na po honey" malumanay kong sabi.

Iniwan ko siyang nakangiti doon, dahil naririnig ko nang tinatawag na kami. Ang dami kasing alam ni Vaughn eh.

Umupo na ako sa pwesto ko na magkaharapan  kami.

"Kailan magaganap ang kasal?" si lolo ulit ang nagtanong. Kanina pa niya gustong malaman eh.

"Ang sabi ho sa amin ni Vaughn, ang araw na gusto ni Lori. Doon sila magpapakasal" ani ni Tito Nat.

Kaya naman napunta sa akin ang atensyon nilang lahat. Hinihintay ang aking magiging sagot.

"Napag-usapan din namin ni Vaughn na basta 31 ang araw. Hindi ko naman po sinasabi na ngayon or next month" baka sabihin nila nagmamadali kami.

Pero nasa legal na edad na naman kami, mayroon maayos na trabaho at nasa tamang pag-iisip.

Dahil 31 ang aming anibersaryo iyon ang gusto naming araw.

"Bakit hindi na natin gawin next next month?" napalunok ako sa sinabi ni Lola.

"Mommy"

So we only have 2 months to plan this.

Sinulyapan niya ako tapos bumalik ang paningin niya sa magulang ni Vaughn. "Nakikita ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa, bakit pa ba natin patatagalin?"

"I agree" pagsang-ayon ni Tita Linda.

"Nasabi na rin naman sa amin ni Vaughn na mayroon na siyang napagawang bahay?" Papa said. Na talagang ikinagulat ko.

"Really?" ikinagalak ko ang sinabi nilang iyon.

"Yeah, dadalhin kita doon pagkatapos natin ikasal" tumayo ako para yakapin siya.

Ang galing lang kasi. "Thank you! Pero paano mo napagawa? Eh naghiwalay tayo 'diba?"

Umupo ako sa tabi niya. "Kasi noong tatlong buwan na tayo, naisip kong magpagawa na ng sarili nating bahay"

"You really see my sister as your wife huh?" Kuya seems like 'wow' with his facial expression.

"I'm glad you did. Mabuti sumang-ayon kayo Linda?" Mama ask her friend, which is Vaughn's mother.

"Planado na niya ito noon pa, sinasabi niya sa amin na isa lang ang babaeng mamahalin niya. Iyon nga si Lori" Tita Linda replied.

In fact, ang bait nila sa akin. Hindi ko naramdaman na ayaw nila sa akin lalo na nung dinala namin sa ospital si Mama nandyan siya para sa aming lahat.

"Aww, naiiyak ako" nagsalita ako, hindi ko kasi naisip na hahantong kami sa ganito.

"Don't cry" pinunasan kaagad ni Vaughn ang mga luha ko.

"I was really happy, I never thought we will reach this point"

"Masaya rin kami para sa inyo. Matagal din naming hiniling ito para kay Vaughn lalo na't matagal na niyang hinahanap si Ina"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon