TRG 18 - Sila Na!

171 8 0
                                    

Hello guys! Eto na ang update, very first update this 2015. Sorry kung natagalan, medyo busy lang, hehehe!

Anyways, hope you will enjoy this chapter 'coz I enjoyed writing it! Godspeed!

Don't forget to leave your comments and votes.

Love yah all!

MET777

***

Nagising si Elena sa mahihinang haplos sa kanyang pisngi. Hirap pa nga siyang idilat ang mata dahil sa antok at sa sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana.

"Good morning!"

Isang nakangiting Marcus ang bumungad sa kanya. Ang ganda naman ng umaga ko!

"G-Good morning, too!" Sagot na lang niya rito na pakurap-kurap pa dahil sa antok at para bang gusto niyang siguruhing si Marcus nga ang nasa harapan niya ngayon.

Napatawa naman ng mahina si Marcus sa nakikitang expression ng dalaga. Ang ganda talaga ng mahal ko!

"Wake up na baby ko. C'mon, let's eat" inalis ni Marcus ang kumot sa dalaga saka hinila ang dalawang kamay nito. Napilitan tuloy tumayo si Elena.

"Wait! Oo na po, babangon na po!" Natatawang sagot na lang ng dalaga. "Mauna ka na bumaba ah, susunod ako."

"Why? What are you gonna do?"

"Kailangan ko pong mag-banyo, mister. Bakit, sasama ka ba?" Sagot ni Elena sa nangungulit na si Marcus. Nakasunod pa rin ito sa kanya hanggang sa pinto ng banyo.

"Pwede ba?" Pilyong sabi naman nito.

"You wish!" Mabilis siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto. Narinig na lang niyang sumisigaw si Marcus pero hindi na lang niya ito pinansin. Humarap siya sa salamin nang may ngiti sa mga labi. Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Ang nangyari kagabi ang maituturing niyang isa sa pinakamasasayang pangyayari sa buhay niya.

Flashback

Pauwi na sila galing sa party at silang dalawa ni Marcus ang magkasama. Si Madam Martina kasi ay sumabay na sa mga amiga nito pauwi para daw makapag-solo sila.

"ahhmmmm, inaantok ka na ba?" pagkuway tanong ni Marcus habang nagmamaneho. it's almost midnight pero hindi pa naman siya inaantok. Sa totoo lang, overwhelmed pa siya dahil sa napanalunang premyo na trip to Boracay.

"Hindi pa naman. Bakit?"

"I would like to bring you to some place." sagot naman ng binata. Kita ni Elena na umangat ng kaunti ang gilid ng labi nito pero hindi niya masyadong sigurado dahil nakaharap naman ito sa kalsada habang nagmamaneho.

"Where to? Hindi ba pwedeng ipagpabukas natin?"

"Nope. It's best to go there now. Don't worry, we will get there in a few."

"Okay." pagsang-ayon na lang ng dalaga.

Ilang minuto pa ay inihinto na ni Marcus ang sasakyan sa harap ng isang park. Alam niyang malapit lang ito sa bahay ng mga Andrada pero hindi pa siya nakakapunta rito kahit minsan. Kunot ang noo ng dalaga at nagtataka kung bakit sila naroroon. Pinigilan na lang niya ang sariling magtanong at sumunod na lang sa binata nang pagbuksan siya nito ng pinto at alalayan nang maglakad.

Kahit gabi na ay maliwanag naman ang park dahil sa mga ilaw. Hindi ito kalakihan pero may mga palaruan para sa mga bata. Sa isang bahagi naman ay may mga concrete benches na napaliligiran ng mga halaman.

The Raketera GirlWhere stories live. Discover now