TRG 5 - Elena, the Personal Assistant

281 8 0
                                    

"I will be your fairygodmother... mother-in-law soon!"

Mahinang sabi ni Madam Martina habang tinitingnan si Elena na abala sa pagtuturo sa mga bata. Kung noong una, gusto lang niyang maging girlfriend ng anak si Elena, ngayon, desidido na siyang ito ang karapat-dapat na maging asawa ni Marcus.

"Elena Valdez-Andrada. Wow, bagay na bagay!" Nakangiting wika ng ginang.

***

Samantala, hindi naman mapasidlan ang tuwa na nararamdaman ni Elena habang kasama niya ang mga bata. Kahit makukulit ang mga ito, cute na cute pa rin sila sa paningin niya.

"Ate Lena, paano po mag-drawing ng dog?" Tanong ni Ana, 5 years old lang ito at chubby. Hawak nito ang papel at lapis at nakamuwestrang nagdro-drawing.

Nilapitan niya si Ana at yumuko dito. "Ganito ang dog. Gawa ka ng malaking bilog, tapos lagyan natin ng bilog na mga mata, bibig at ilong. Lagyan din natin ng tenga. Ayan!"

"Madali lang po pala. Thank you, Ate Lena!"at yumakap ang bata sa kanya.

Nagsisunuran na rin ang iba pang mga bata at nagpaturo kung paano mag drawing ng ibat ibang hayop. Dahil medyo nagkakagulo na, pinagpasyahan na lang niya na ibang activity ang gawin nila.

"Mga bata, next time na lang tayo mag drawing ha? Magdadala si Ate Lena ng mga drawing materials para mas maganda ang kalabasan ng gawa ninyo. Pero sa ngayon, gusto kong mag-story-telling muna ulit tayo. Okay ba yun sa inyo?"

"Opo!" Sabay sabay na sagot ng mga bata. At nagsimula na sa pagkukuwento ng mga fairytales si Elena.

Lumipas ang ilang oras at natapos na din ang buong maghapon na aktibidades sa ampunan. Napagpasyahan nina Madam Martina at kanyang mga amiga na tumuloy sa isang tea party na inorganisa ng isa pa nilang kaibigan. Kaya sa huli, sina Marcus at Elena ang naiwang magkasama.

"So, how was your first day as a teacher, Ate Lena?" pagbirong tanong ni Marcus.

"Sobrang saya ko! Ang tagal ko na talagang gustong magturo ulit sa mga bata. Dati kasi, nagtu-tutor ako sa mga toddlers at elementary pupils. Kaya nakaka-miss yung feeling. Pero ngayon lang ako nakapagturo na classroom style. Salamat talaga at sinama ninyo ako ng mommy mo dito." Bakas sa mukha ni Elena ang labis na kasiyahan.

"You don't have to thank me, you know. It's my mom who actually dragged you on this, remember?"

"Yes. But because of you, I have a safe and comfortable ride going here." At ngumiti pa ito sa binata.

"Well lady, because you said so, I have to bring you home. That is, if you can still bear with me being your humble driver." Marcus winked and smiled back to Elena.

"Oh yes, it will be my pleasure!" At pareho na lang silang natawa.

Matapos ang halos 30 minutes na byahe ay narating din nila ang bahay ng dalaga. Inaya ni Elena na magmeryenda muna si Marcus na malugod naman nitong pinaunlakan.

"Nay, tay, nandito na po kami!" Bati ni Elena sa mga magulang na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala.

"Mabuti naman at nakarating na kayo. Kumusta yung gathering sa orphanage?" Tanong ni Aling Amelia sa dalawa.

"Masaya po, at nakakatuwa yung mga bata roon. Kaya nga every Sunday magtuturo na po ako doon." Sagot naman ng dalaga bago bumaling kay Marcus. "Ay Sir Marcus, maupo ka muna ha, kukuha lang muna ako ng meryenda natin." Tumango naman ang binata sa kanya at sumunod na sa sala kung nasaan ang mag-asawa.

The Raketera GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon