TRG 9 - First Day, Hell Day
"Good Morning, Madam! Good Morning Sir Marcus!"
Bati ng mga empleyado kina Madam Martina at Marcus. Nandito sila sa AGC Building, sa floor kung nasaan ang opisina ni Madam Martina bilang isa sa mga Board of Directors ng kumpanya. Habang naglalakad, ramdam ni Elena ang pagiging authority ng mag-inang kasama niya ngayon. Ngayon niya mas na-realize na hindi nga basta-basta ang mga Andrada. Nakita rin niya na kahit ang mga empleyado ay hindi rin pipitsugin. Sa mga suot pa lang ng mga ito, alam mong may sinasabi rin sila sa buhay.
"Hay, mabuti na lang pala naipamili ako ni Madam kahapon. Kung hindi, magmumukha akong gusgusin dito. " Mahinang usal ni Elena sa sarili.
Pero hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang mga hagikhik ng mga babaeng empleyado dahil sa nakita ng mga ito si Marcus. Grabe, heartthrob talaga siya. Kahit saan magpunta, ang daming admirers.
Tinapunan niya ng tingin ang binata na seryosong nakikipag-usap sa kanyang ina. Hindi maintindihan ni Elena ang pinag-uusapan nito dahil na rin nasa bandang likuran siya at nahuhuli sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay may sumalubong na isang babaeng sa tingin niya ay nasa late thirties na ito. Nakangiti itong binati sila. "Good morning Madam! Good morning Sir Marcus!" At lumingon ito sa kanya "Good morning!" Aw, mukhang mabait at friendly. Mukhang magkakasundo kami nito.
Ngumiti lang sina Madam at Marcus at pumasok na sa opisina. Sumunod lang din ang babae at sumunod na rin siya.
"Carol, meet Elena. She's the one that I was telling you who'll be my assistant starting today. She will be in-charged of anything and everything non-related to AGC. Ibigay mo na lang sa kanya ang mga necessary documents, pati na rin yung schedule of activities ko. By the way Elena, this is Carol, my very reliable secretary for 5 years now. Just in case meron kang tanong, itanong mo na lang sa kanya."
Ngumiti naman si Elena kay Carol at nilahad ang kamay. "Hi Ma'am Carol. Nice to meet you. Kayo na po ang bahala sa akin."
"No worries, Elena. Saka call me ate Carol na lang, wag nang ma'am. Pero ang ganda mo naman. Ilang taon ka na?" Magiliw na sagot naman ni Carol.
"Ay, naku ikaw naman a-ate Carol. 21 na po ako." Nahihiyang sabi ni Elena.
"You are just absolutely right, Carol. Isn't she very lovely? " dagdag pa ni Madam na lalong ikinapula ng mukha ni Elena. Hindi na siya nakasagot dahil parang naumid ang dila niya.
Napangiti na lang ang ginang sa nakitang reaksyon ng dalaga. Dahil ayaw na rin naman niyang lalong mahiya si Elena, nagpaalam na lang siya sa sekretarya. "Well, we'll just go ahead Carol, pupunta lang kami sa opisina ni Marcus."
Lumabas na ang tatlo at nagtungo na sa may elevator at naghintay dito. All the while ay nakikinig lang si Marcus sa usapan ng mga babae. Pero hindi maiaalis ng binata na pagtuunan ng pansin si Elena. I just can't really help but to get amazed with you even with your simple reactions and facial expressions. Sabi pa nito sa sarili.
Ilang saglit pa at tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto nito. Pinauna muna ng binata ang mga kasama saka sumunod na pumasok. Tumabi siya kay Elena dahil gustung-gusto niya talagang tingnan ang mukha nito at basahin kung ano ang iniisip nito. Ngayon, nakikita niyang nako-conscious ito sa hindi niya malamang dahilan. Of course Marcus, you're staring at her! How couldn't she feel conscious? Dahil dito ay nagtuwid na lang siya ng tingin. Pero sakto naman na mukha pa rin ng dalaga ang nakita niya dahil sa repleksyon nito sa pinto ng elevator.
Nang makarating na sila sa floor kung nasaan ang opisina ni Marcus, sinalubong ulit sila ng bati ng mga empleyado. Halos katulad lang ng reaksyon ng mga empleyado kanina sa may opisina ni Madam. Maya-maya pa'y may isang seksing babae ang lumapit sa kanila at bumati. Tantiya ni Elena ay nasa 5'3" or 5'4" ang height nito dahil matangkad siya rito ng kaunti. Pero sa kurbada at alindog ng katawan, wala siyang panama. Pak na Pak! kumbaga. Pero bigla niya rin itong namukhaan. Teka, siya yung mataray sa bookstore ah? So, secretary nga talaga siya ni Marcus. Pwes, wapakels! Secretary siya, assistant ako! Empleyado lang din siya!
YOU ARE READING
The Raketera Girl
RomanceSiya si Elena - mabait, matalino, masayahin, mapagmahal na anak at kapatid, self-proclaimed maganda, at higit sa lahat - masipag, masipag at masipag! Dahil sa kinamulatang hirap ng buhay, hindi siya fan ng mga fairytale at happy ever after. Pero is...