TRG 16 - First and Last

222 8 1
                                    

TRG 16 - First and Last

"Hello Philippines! Hello World!"

Sigaw ni Elena habang nag-uunat ng mga kamay. Nandito siya sa terrace ng kanyang kwarto at kahit pasado alas-sais pa lang ng umaga, bahagya nang sumisilip ang araw.

Sabado at wala silang pasok ni Marcus sa opisina. Nagkataon na ang scheduled meeting dapat nila ay napaaga at natapos na kahapon.

"So, this is my first Saturday off. Sarap ng feeling, haaaaaaaay!" Inilahad ni Elena ang mga braso at dinadama niya ang malamig na hangin ng umaga. "Haaaaay, good morning!"

Ilang saglit pang nasa ganoong posisyon ang dalaga at nagpasya na siyang bumaba sa kusina. Naabutan niyang nagluluto si Manang Metring habang si Mayla naman ay naghihiwa ng mga prutas.

"Magandang umaga!" Bati niya sa dalawa.

Lumingon naman si Manang at binati rin siya. "Ang aga mo nagising? Wala naman kayong pasok ngayon, hindi ba?"

Tumango si Elena at tiningnan ang niluluto bago sumagot. "Opo. Kaso balak kong magpunta ng Divisoria ngayon. Excited na akong gamitin yung makinang panahi. " Bakas sa mukha nito ang excitement.

"Ay girl, talented ka talaga,ano? Hindi ka maghihirap. Ang dami mong alam na trabaho eh!" Sabad naman ni Mayla sa usapan.

"Hindi naman masyado, you know!" Pabirong sagot na lang ni Elena. Lumabas muna siya ng kusina at pumunta ng dining para iayos ang mesa.

Ilang sandali pa ay magkapanabay na bumaba sina Madam Martina at Marcus. Naunang bumati si Madam habang si Marcus naman ay nakangiting nakatingin kay Elena. Ginantihan din niya ng ngiti ang binata saka ipinapatuloy ang paghahain.

Habang kumakain ay nagtanong si Madam. "It's Saturday. Wala ba kayong mga balak?"

Umiling lamang si Marcus. "Nope. I need to workout. It's beena while since the last time na nagpa-pawis ako. Then movie marathon siguro." Sumubo muna ito saka lumingon kay Elena. "What do you think, baby ko?"

"Huh?" Bahagya pang nagulat si Elena. Lagi na siyang tinatawag sa ganitong endearment ng binata pero hindi pa rin siya nasasanay. Alam niyang namumula na naman ang pisngi niya. "A-Ano kasi, balak ko magpunta ng Divisoria para sana bumili ng tela. Gusto ko na kasing gamitin yung sewing machine."

"Oh, that's nice! Sayang, birthday kasi ng bunsong anak ni Amanda ngayon at sa Tagaytay pa yung venue. Hapon na ako makakauwi. Gusto ko sanang mag-Divisoria na din. Ilang taon na ring hindi ako nakakapunta roon. " sabi naman ni Madam. "Pero hindi bale, we can just go there again some other time."

"Oo nga po. Siguradong maninibago kayo pagpunta 'nyo ulit dun, madami nang bagong tayong malls doon. " sagot ni Elena.

"Hindi ba delikado roon? Why not buy from the malls?" Sabad ni Marcus. "From what I heard, maraming tao doon saka maraming mandurukot."

"Tama. Madaming snatchers dun. Pero sa dalas ko namang magpunta roon, awa ng Diyos, hindi pa naman ako nabibiktima. Kailangan lang talaga mag-ingat." Paliwanag ng dalaga.

Tumikhim si Marcus bago nagsalita. "I'll go with you."

"Ha?" Halatang gulat si Elena. Si Madam naman ay pasimpleng nangingiti at tumingin sa dalawang kasambahay. Nagtaas naman ng kilay si Mayla habang si Manang ay nag thumbs up. Simpleng senyas lang pero alam na nila ang gagawin.

"Naku Marcus, wag ka nang sumama, mainit dun, siksikan ang mga tao. Hindi ka sanay. Iinit lang yung ulo mo." Wika ni Manang Metring.

"Oo nga anak. Hindi ka pa naman nakakapunta roon kahit minsan. Siguradong hindi mo magugustuhan. " segunda naman ni Madam.

The Raketera GirlWhere stories live. Discover now