TRG 2 - Si Marcus

283 11 0
                                    

"Mom, can you fix my tie, please?" Boses ni Marcus habang pababa ng hagdan. Makikitang nahihirapan nga siyang ayusin ang nakasuot nang kurbata.

"Hay naku naman anak, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa maayos mag-isa ito?" naiiling na lang na sabi ni Madam Martina. "You are already a grown-up gorgeous man, and yet you don't know how to fix your tie?"

"Mom, you know I tried. But I gave up. It's not my cup of tea."

"Paano na lang pag hindi ko na kayang gawin ito para sa'yo? Dont tell me gagamitin mo na lang lagi yung hooked- ready-to-wear tie mo?" Napapailing na sabi na lang ng ginang.

"Kaya nga naghahanap ako ng babaeng katulad mo eh. That's why I am introducing girls to you so you can help me find the right one." Malambing na sabi ni Marcus sa ina saka yumakap. "You are the only person who knows me best kaya pag kayo ang pumili para sa akin, I am sure that I am in good hands."

"Pero what if the girl I like for you happens to be not your type of girl? What if she is out of your league?" Ganting tanong ng ginang sa anak.

"That will be impossible. As I have said, you know me too well, kaya alam kong ang magugustuhan mong babae ay deserving. Why? Because she was able to get your approval. She caught your attention and lastly, she will be great because you are entrusting your only son to her. Am I correct, mom?"

"Okay, okay. I give up. Basta huwag mo akong sisisihin ano man ang mangyari ha." Sagot na lamang ni Madam Martina. " Oh, siya, sige. Baka ma-late ka pa sa meeting mo."

"Bye,mom!" Humalik na lang sa pisngi ng ina si Marcus at lumabas na ng bahay.

***

Hatid ng tingin ni Madam Martina ang sasakyan ng anak na papalayo sa kanilang bahay. Napabuntung-hininga at nag-iisip ng malalim.

"Parang kailan lang anak, isa ka lang batang paslit na laging ipinapasan ng daddy mo sa kanyang balikat. Pero ngayon, sandaling panahon na lang at magkakaroon ka na din ng sariling pamilya. Sana nga anak, makita na natin ang babaeng nakalaan sa iyo. Isang babae na karapat-dapat sa pagmamahal mo dahil napakabuti mong anak. At sigurado akong magiging isa kang mabuting ama tulad mg daddy mo."

Hindi napigilan ng ginang ang luha nang maalala niya ang mga panahong buhay pa ang kanyang asawa.

Larawan sila ng isang masaya at perpektong pamilya. Napakabait, masipag at mapagmahal ng kanyang asawang si Marco. Wala na siyang mahihiling pa bilang maybahay nito. Asikasung-asikaso siya nito maging ang anak nilang si Marcus. Kahit na busy sa pagpapatakbo ng negosyo ay hindi ito nawawalan ng panahon para sa kanilang mag-ina. Hangga't maaari ay ayaw nitong late umuuwi sa gabi, maliban na lamang sa mga pagkakataong talagang kinakailangan. Kung may out-of-town meetings naman ito, lagi silang kasamang bumiyahe. Napakasaya nilang mag-anak noon at alam niyang maraming tao ang kinaiinggitan kung ano ang mayroon sila. Pero madaling natapos ang mga panahong kumpleto silang pamilya.

Sampung taong gulang noon si Marcus nang makatanggap sila ng tawag sa sekretarya ng kanyang asawa na isinugod daw ito sa ospital. Inatake ito sa puso sa loob ng opisina nito. Labis silang nagulat sa balita dahil napaingat sa katawan ng kanyang asawa. Hindi nila akalain na may ganung uri ng sakit si Mr. Andrada.

Pagdating nilang mag-ina sa ospital, pinakamasamang balita ang natanggap nila mula sa doktor. Hindi na nakaligtas sa panganib ang asawa. Dead on arrival na daw ito pagdating sa pagamutan.

Labis silang nagdalamhati nila Marcus. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa. Bagkus, naging lakas nila ang isa't isa. Magmula noo'y naging sandalan nila ang bawat isa, lalo na si Marcus. Para bang hindi pwedeng matapos ang araw nito nang magkahiwalay silang mag-ina. Kaya nga siguro ganun na lang ang pagiging depwndent nito sa kanya.

The Raketera GirlWhere stories live. Discover now