Chapter 15: Courting

5K 153 6
                                    

Hello chingus~ I just wanna thank you for reading my story sana patuloy lang kayo sa pag-supporta sa estoryang ito hanggang sa matapos. I really appreciate you~ THANK YOU!!!

------------------------------------------------------

Chapter 15: Courting

Jasmin's POV

"Class dismissed," Nabuhayan ako sa sinabi ng teacher. YES!! Uwian niya!! Nagsitayuan na ang lahat ng estudyante, kinalbit ko silang Nics at Keila.

"Starbucks tayo. Libre ko," Napangiti naman ang dalawa. Kinuha ko na ang bag sa chair at excited na lumabas sa classroom.

Gaya ng sinabi ni tita, tinuloy ko ang pag-aaral ko dito sa Korea. Kasama na din silang Keila at Nics. Masaya naman, walang nakakaalam na asawa ko si Chanyeol. Medyo nahirapan ako ng kaunti lalo ng naipakilala ko ang sarili ko sa klase, muntik ko na masabi sa lahat na asawa ko si Chanyeol, salamat nalang kay Nics kasi kinurot niya ang tagiliran ko at hindi ko natuloy na sabihin 'yon.

"Hoy! Anong nakain mo at trip mong mang libre ngayon?" Sabi ni Nics. Ningitian ko lang siya, excited na ako sabihin sa kanilang dalawa ang magandang balita!!

"Mamaya ko nalang sabihin. Basta tara na sa starbucks!!" Hinatak ko silang dalawa palabas sa school.

***

"O, dali na. Sabihin mo na kung ano ang good news?" Nakahawak sa kamay ko si Nics, pinipilit akong sabihin sa kanila ang good news.

Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya ng seryoso. "Sinusubukan namin i-work out ang marriage namin. Medyo nag a-adjust daw siya kasi hindi siya sanay na hindi kasama ang members niya sa EXO at sinabi niya na.. u-uhm," Namula ako nang maalala ko ang sinabi niya.

Alas otso na nang gabi ng makarating na siya sa bahay. Agad ko siya sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. Pagod na yata ang asawa ko dahil nagpapugay-pugay na ang mata niya.

"Welcome home. How's your day?" I asked. Kinuha ko ang dala niyang bag at nilapag yun sa sofa. He just sigh.

"We did a lot of practice today. Unfortunately, we did another choreography for the upcoming comeback and it's so tiring." Hindi na ako nagulat ng bigla siyang yumakap sa'kin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. I caressed his hair to relax him up. Pagod na talaga siya.

Kumalas ako sa yakap namin and asked. "Kumain ka na ba?" He shook he's head.

"Great, nagluto na ako ng dinner. Kumain ka na, I'm sure you're dead tired," I said. Dinala ko siya sa dining table at pinaupo sa upuan. Nagsimula na akong kumuha ng plato at binigay sa kanya, nilapag ko na ang paborito niyang adobo. Yep, eversince na tinikman niya ang adobo naging paborito niya na ito. Araw araw laging nagre-request na ito ang ipabaon sa kanya, hindi naman ako tumanggi, masaya nga, eh. Nagustuhan niya ang niluto ko.

He started eating his dinner. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain, bakit sa pagkain ng adobo ang gwapo parin niya? Haist.Ang swerte ko talaga at siya ang naging asawa ko.

"Staring is rude. Wife," Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Iniwas ko ang tingin sa kanya, baka makita niya na namumula ako. Napadalas na yata ang pamumula ng mukha ko at kasalanan yon 'yon ni Chanyeol dahil araw araw niya akong pinapakilig.

Tapos na siyang kumain kaya nandito na ako sa lababo, naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay nan'dun sa kwarto nagbibihis. Sabi niya magmo-movie daw kami, tinanggihan ko pa nga kasi may work pa siya bukas, eh. Ang sabi naman niya, he wants to spend time with me ALONE. Eh, palagi naman niya ako kasama sa bahay kapag nakauwi o day-off niya sa trabaho. Ewan ko ba sa kanya at napapadalas ang pagiging sweet sa'kin.

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon