Chapter 18: Sorry

4.2K 126 3
                                    

Chapter 18: Sorry

Jasmin's POV

Kinabukasan, nagising ako na mugto ang mata. Masakit din ang ulo ko, nakatulog na pala ako kagabi sa kakaiyak. Hindi rin mawala sa isip ko ang nakikita ko kagabi, hanggang ngayon masakit pa ang dibdib ko. Tsk, mukhang hindi ako makapag-concentrate sa exam ko ngayon. Nakita ko din sa hubby sa gilid, natutulog ng mahimbing. Tinignan ko lang siya ng ilang segundo at tumayo na para maghanda na ng mga kagamitan ko sa skwelahan. Ipagluluto ko pa si hubby ng adobo dahil alam kong yun ang gusto niyang baon.

Matamlay ako bumaba sa kusina at nagsimula na magluto. Aish!! I'm still jealous!! Pero kasi... bakit may pahalikhalik pa sila at kailangan pa talaga ipakita sa TV? Like duhh, may asawa kaya si Chanyeol at natural lang naman 'yun na mag-selos ako dahil may karapatan naman akong mag-selos. Lalo ng mahal niya ito. Binalewala ko nalang ang sakit sa ulo at nagpatuloy sa pagluluto.

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at tinignan ito. 31 calls at 16 messanges, galing lahat ito kay Chanyeol. In-off ko kasi ang phone ko kagabi kaya hindi ko natanggap ang tawag at text niya. I sigh, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang asawa ko. Sigurado akong magtanong 'yun kong bakit hindi ko sinasagot ang mga text at tawag niya. Saka ayokong sumagot kong sakaling magtanong siya baka masira ang araw ko.

Nilagay ko na ang phone sa lamesa at in-off ang stove luto na kasi ang adobo. Narininig ko ang pagbukas ni hubby sa kwarto namin, iniwas ko ang tingin ko. Ayokong kausapin siya!! At mas lalong ayokong makita siya!! Selos na selos parin ako!! Tahimik kong nilagay ang mga plato sa lamesa na hindi ko siya tinitignan. Lumapit siya sa'kin pero hindi ko siya pinapansin. Nakakabadtrip!! Ugh.

Nagpatuloy lang ako sa paglagay ng plato, kinuha ko ang baso sa lalagyan nito at nilagay sa mesa. Hinawakan niya bigla ang ang pulso ko.

"Did something happened last night, wife. You're not answering my texts and calls. thought something bad is happening to you. I'm worried. " Tinignan ko lang siya nang saglit at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Nilagpasan ko lang siya at kinuha ang kutsara at tinidor sa lalagyan at nilagay sa plato.

"Kumain ka na. May work ka pa mamaya at ayokong malipasan ka ng gutom. Sobettereat." I said to him with a cold face. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil nakita kong nakakunot ito. Siguro sa inaasal ko.

Bago pa ako lumayo ay hinila niya ang braso ko at ipinaharap sa kanya. "Did do something wrong, wife? Why are you acting like this?" Dahil nagseselos ako!! Gusto ko sana sabihin yun.

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon