Final Chapter

6K 146 22
                                    

Final Chapter

2 years later...

Jasmin's POV

"Dahan-dahan lang, baka madapa kayo sa kakatakbo."

"Yes po teacher!"

Umupo ako sa bench habang tinitignan ang estudyante ko na naglalaro sa playground. I sigh and lifted up my head to watch the clouds. It's been 2 years since I left Korea and came back here in the Philippines.

To tell you the truth, 2 years was hell for me. I've suffered a lot of pain, buti nalang kasama ko si Mama at hindi niya ako iniwan. After the day I left Chanyeol, wala akong ibang ginawa kundi umiyak gabi-gabi. Namiss ko talaga siya sobra pati narin ang dalawang kaibigan ko.

Maraming nangyari sa loob ng 2 years na nandito ako sa pilipinas, dito na ako nakagraduate ng college at habang nag-aaral ako, may mga taong galit sa akin dahil nga sa ako ang asawa ni Exo Chanyeol, pero may iba naman na naniniwala at ayos lang naman daw na kung asawa ko raw si Chanyeol. At yun si Chloe, nanging mag-bestfriend kami nuong fourth year college hanggang sa nakagraduate na kami dalawa.

Naging teacher na ako pagkatapos ko grumaduate, isang kindergarten teacher. Ayos lang naman sa'kin, mabilis naman sila matuto sa mga leksyon at syempre ang cu-cute pa nila. Masaya naman sila kasama at isa pa, mahilig ako sa mga bata.

"Don't leave me, wife. Please."

Sa loob ng dalawang taon, palagi kung napapaginipan ang salitang 'yun. Minsan nga pagkagising ko, namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako.


Yung pinakahuling balitang na nalaman ko about sa kanya, pinabalik na siya grupo nang CEO. I felt some kind of relief, natutuwa ako sa kanya dahil sa wakas, maipatuloy niya ang kanyang pangarap. Na wala ako...


Simula nun, wala na ako balita sa kanya. Hindi narin ako nag-abalang buksan ang mga accounts ko, ayoko kasi makita ang mga bagay na nagpapasakit sa akin. I just want to be happy.

Napatigin ako sa orasan, it's already 12:00 pm. Oras na ng uwian nang mga estudyante. Tinawag ko na sila dahil uwian na at paparating na ang kanilang magulang.


"Oh. Hi Jasmin. Kamusta ka na, friend." Salubong sa akin ni Chloe.

"Ayos lang naman ako. Medyo napagod ng kaunti dahil ang kukulit ng estudyante ko." Sabi ko.

"Haha. Oo nga pala, nabalitaan mo na ba?"

"Huh? Anong balita?"

"Na dito mag-co-concert ang EXO. Gosh! Excited na ako! Makikita ko na si Baekhyun!"

Mag-co-concert sila dito? Ahh..Akala ko kung ano na.

Tumalikod ako. "Eh, ano naman ngayon?" I scan my books. Acting as if I don't care.

She frown in disbelief. "Ayaw mo bang pumunta sa concert? Nandon si Chanyeol."

Alam ko na nandon ang asawa ko kaya nga ako umiiwas, eh. Ayaw kong pumunta sa concert dahil ayaw ko siyang makita. I'm still hurting at kapag pumunta pa ako baka mas lalo akong masaktan and plus, namimiss ko siya.

"Alam mo naman na iniiwasan ko siya diba? Kaya hindi ako pupunta." Blankong sagot ko.

She sighed. "Alam ko naman yun, eh. Naiintindihan kita, pero hindi naman habang buhay na nagtatago ka lang at nasasaktan. Kailangan mo siyang makita, Min. Para tuluyan ka na makapag-move on."

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon