Chapter 20.1: 100 days Anniversary

3.9K 105 8
                                    

A/N: I dedicate this chapter to you @exo4416 ^.~

Chapter 20.1: 100 days anniversary

Jasmin's POV

"Ito guys, maganda ba ito para sa'kin?" Tanong ko kina Keila at Nics. Nandito kami sa mall ngayon dahil namimili kami nang damit para sa 100 days anniversary namin ni Chanyeol. EXCITED NA AKO!! Hindi na ako makapaghihintay!!

Bukas na kasi ang 100 days anniversary namin ni Chanyeol bilang mag-asawa. Su-supresahin ko kasi siya kaya nandito kami sa mall dahil may bibilhin akong regalo at mga ingredients para sa anniversary namin. Namimili din ako nang damit para bukas, kasi.. may balak na akong sagutin si Chanyeol. Sa tagal ba naman niyang manligaw, it's time para marinig niya ang pinakamatamis kung 'Oo", kaya kailangan kung maging maganda para mas lalong mainlove si hubby sa akin!! Hihihi. At saka, hindi alam ni Chanyeol na susupresahin ko siya.

Nag-thumbs up naman silang dalawa sa pinili kong damit. Kinuha ko ito at sinuot sa fitting room. Excited na talaga ako para bukas!!

***

"Hmmm. Ano kaya ang ireregalo ko para kay hubby?"

Ballpen? Shirt? O relo? Ito kasi ang napili ko para iregalo ko para kay hubby at kailangan kong pumili ng isa. Napaisip ako, hindi naman masyadong gumagamit si hubby nang ballpen dahil ARTISTA siya at hindi isang manunulat!! Sa shirt naman, masyadong cliche ang regalo ko kay hubby. Baka hindi niya magustuhan. Sa relo? Siguro okay na ito dahil magagamit niya ito palagi kapag nagpra-practice sila at para malaman din niya kung ano na ang oras, diba? Perfect!!! Ito na ang ireregalo ko sa kanya!

Kinuha ko ang wrapper at binalot ito sa regalo ko. I even kissed it, wishing na magustuhan ni hubby ang regalo ko para sa kanya bukas.

Nagsulat din ako ng letter para sabihin ang lahat nang masasayang moment namin'g dalawa. Sa loob nang 100 days bilang asawa niya, I can say na iyon ang pinakamasayang role ko sa buong buhay!! Minsan hindi kami nagkakaintindihan ni hubby, pero alam naman naming dalawa na part lang sa mag-asawa yon. Lahat nang ginawa niyang lambing ay sinulat ko para ipakita sa kanya na masaya ako na pinakasalan ko siya at kailanman hindi ko pagsisihan na tinanggap ko ang offer ni Manager hyung na pakasalan ang one and only bias ko!!

Matapos ko na ito binalot sa wrapper ay nilagay ko ito sa sarili kong cabinet, baka kasi makita ni hubby, susupresahin ko kasi.

"Wah!!"

"AY CABINET!!!" Napatingin ako sa likod, nagulat ako dun, ah!

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon