Chapter 4: Manager hyung?

4.7K 149 3
                                    

Jasmin's POV

"Jasmin anak, dumating kana pala. Kumusta ang pag a apply ng trabaho" Napangiti nalang ako ng mapait. Hindi pa kasi ako nakahanap ng trabaho.

Nilagay ko sa mesa ang binili kong pagkain. Lumapit ako sa kama ni mama at hiniwakan ang kamay niya.

"Pasensya na Ma, pero hindi parin ako nakahanap ng trabaho." Pilit akong ngumiti. ayoko kasi ipakita kay mama na malungkot ako.

Ngumiti lang si Mama at hinawakan ang kanang pisngi ko. Nanglalambig ata si Mama.

"Okay lang yan nak. Mas mabuti pa'y magpahinga ka muna. Pagod kana eh. Kumain ka na ba?" tanong ni Mama.

"Tapos na po akong kumain, kaya pinagbilhan ko nalang kayo ng pagkain."

"Salamat anak."

Agad naman bumitaw si Mama sa kakahawak sa pisngi ko at kinuha ang pagkain na nakalagay sa lamesa.

Buti naman at palaging nakangiti si mama sa mga araw na ito. Bumalik ulit ang sigla niya, para tuloy siyang walang sakit na dinadala. Kinukulit pa nga ako ni mama na ilabas na siya ospital. Sinabi ko naman na umalis na ako sa dati naming bahay dahil hindi ako nakabayad sa renta, tsaka hindi pa pwede ilabas sa ospital dahil sa sakit niya at baka may mangyaring masama sa kanya.

Naintindihan naman ni mama ang sitwasyon naming dalawa. Gusto man niya umalis sa ospital, pinili nalang niya na magstay. Pero hindi ko maiwasang mag alala sa kalagayan niya, minsan nga nahihirapan siyang huminga dulot ata sa Cancer.

Hindi rin naman ako nagiisa, palaging bumibisita ang dalawang kaibigan ko dito. Kinakamusta ang kalagayan ni mama. Ewan ko ba don sa dalawang yun, palaging tumitingin sa likuran. May sumusunod daw samin. Napansin ko nga rin na may sumusunod sakin. kahit san ako pumupunta palaging may mga mata na nakamasid sakin. NAKAKATAKOT.

Then I heard a knock from a door. Medyo nagulat pa nga ako. Tumayo ako at binuksan ang pinto at iniluwa nun ng dalawang kaibigan ko. Weird? Humahangos kasi sila na parang galing sa kakatakbo. Tinaas ko ang kilay ko habang nakatingin sa kanila.

"O, bakit ganyan hitsura niyo?" Tanong ko.

"May sumusunod kasi samin habang papunta kami dito sa ospital!!" sabi ni Kei.

"At kahit saang direksyon kami pupunta. Hindi parin siya tumitigil sa kakasunod. IT'S CREEPY YOU KNOW!!" sagot din ni Nics.

Biglang nagtaasan ang balahibo ko. SINO BA KASING TAONG LAGING NAKAMASID SAMIN!!

Kinaladkad ko sila palabas sa kwarto ni mama. ayokong marinig niya, baka magalala lang siya.

"Sino ba kasi yan. Wala naman akong kaaway sa school ko dati ah!" lumingon lingon pa ako sa paligid.

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon