"Deene, you look stunning." lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Dion. Ang kanyang gray suit at ang bagong tabas ng kanyang buhok ang lalong nagpagwapo sakanya.

Tumayo ako at bineso si Dion. Inabot saakin ni Dion ang bouquet at rinig k ang hagikgik nila mommy at ang dalawang bakla.

"Psst pogi! May kuya ka ba? Akin na lang!" anang ng bakla.

Tumawa lamang si Dion at pinagpaalam na ako kila mommy at daddy.

"Magiingat kayo ah! Dion, ingatan mo si Kayla." paalala ni mommy.

"Opo tita, ako na po bahala sa anak ninyo." ngiting sambit ni Dion.

"Oh siya bago kayo umalis picturan ko muna kayo." pumwesto kami sa gilid para picturan kami ni mommy.

Pinulupot ni Dion ang kanyang kamag sa beywang ko kaya magkalapit na talaga kami. Ako naman si papansin nilabas ko ang legs ko para mas umayos ang kalalabasan ng picture.

"Para kayong mga Don at Donya!" pinakita saamin ni mommy ung pictures namin ni Dion at ang ganda nga ng kinalabasan.

"Syempre tita, Kayla pa ba? Kahit anong ipasuot mo riyan babagay."

"Bolero!" nagtawanan kami saglit tsaka nagpasyahan na umalis na. Kahit naka heels na ako di ko pa rin magawang abutan ng height si Dion. Napakalaki.

"What's your plan, Deene?" tanong ni Dion habang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Huh? Saan?"

"On your birthday. One month na lang diba?"

"Ohh right," napaisip ako, "Di ko pa rin alam sa totoo lang. Ikaw? Ano ba gusto mo gawin natin?"

"You decide dedi." he said that while smiling. Hindi ko na sinagot ang sinabi ni dedi at nanahimik na lamang hanggang sa makarating na kami sa event.

Pinagbuksan ako ni dedi ng pinto at inalalayan pababa. Sa Casa Milan ngayon ang event namin at ang ganda ng pagkakaset-up nila. Maraming tao nagpapa-photobooth sa labas ng function hall at dito rin tumatambay ang ibang estyudante.

Pagkapasok namin ng function hall sinalubong kami ni Rosa ng yakap at ngiti. Naka pusod ang kanyang buhok at suot niya ang kanyang white sexy backless.

"You look so good, Kayla!" bati ni Rosa.

"Salamat. Ikaw din." dinala na ako ni Dion sa certain table namin at maya maya na lamang ay magsisimula na ang program.

Same goes with the program na rarampa kami, may doxology, at iba pa.

Bago ang kainan may iprepresent kaming dance number na weeks namin prinepare kaya nung tinawag na ng emcee ang batch namin, nilahad ni Dion ang kanyang kamay para alalayan ako.

Pumunta kami sa gitna at nagsimula nang pumwesto para sa isasayaw namin. Naghihintay na lang kami ng cue na tumugtog ang kanta.

You know I can't smile without you
I can't smile without you
I can't laugh and I can't sing
I'm finding it hard to do anything

Nagsimula na akong isinayaw ni Dion at infairness hindi siya nagkakamali sa pagikot-ikot saakin! Nung practice kasi namin nakakailang bagsak siya saakin.

You see, I feel sad when you're sad
I feel glad when you're glad
If you only knew what I'm going through

"I just can't smile without you." Dion held my chin while he sang that last part of the line. Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ko at isipin na napakaswerte ko sa taong kaharap ko ngayon. He's been with me through my ups and downs. Hindi nawala sa tabi ko kahit kaiwan-iwan na ako. Hindi ako tinalikuran kahit ilang beses ko na siyang ipinagtabuyan. My Dion, my life saviour.

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now