Kabanata 10

37 5 0
                                    


"Hoy saan mo ba ako dadalhin? Ikaw ah magtatanan ba tayo?" nasubsob naman ako bigla dahil sa pagbrake ni Dion na walang pasabi. "Aray! Magingat ka nga!"

"Ano ba kasi pinagsasabi mo? Tanan? Ang kapal ng mukha mo dadalhin lang kita sa Megamall. Dami mo pa sinasabi diyan."

Umirap na lang ako sakanya. Bahala siya diyan kung saan niya dadalhin. Inisip ko nanaman si Rosa. Ayos lang kaya siya? Kasalanan ko ba ang nangyari kanina? Nagpakawala ako ng hinginga at tsaka napagdesisyunan na itext ito.

Me:
Okay ka lang?

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din si Rosa sumasagot. Nakailang text na din ako sakanya pero napagod na lang ako. Mamaya tatawagan ko na lang siya.

Maya maya nag park si Dion sa isang gasoline Station. "Magpalit ka muna dito. Mag gagas lang ako." binigay niya saakin ung bag na pamalit ko at pumasok muna ako sa bathroom at nagpalit.

Naka long fitted dress ako at nagsuot ng denim jacket. Ung dress abot hanggang tuhod ko at nag suot ako ng nike sneakers na puti.

Nang matapos ako mag bihis sakto naman tapos na magpa-gas si Dion kaya dumiretso na kami sa mayroon forever road. In short- EDSA.

"Saan mo ba ulit ako dadalhin? Kalimutan ko eh hehe."

"Just sit still and don't talk."

At dahil seryoso na siya magsalita wala na lang ako nagawa kundi manahimik. Nakaramdam naman ako ng antok dahil sa aga kong gising kaya wala pa isang minuto nakatulog na ako.

Naanlimpungatan ako sa ingay at nagbubusinahan na mga kotse at nakita ko ang daming sasakyan na gigitgitan makahanap lang ng parking. Nasa Megamall kami at naghihintay makapasok para makapagpark.

Kita ko ang kunot na mukha ni Dion kahit naka sunglasses ito. Hala ang pogi ng bestfriend ko shetueee~

Nang makapagpark kami nagpakawala ng hininga si Dion tsaka may kinuha sa back seat, ung damit niya at tsaka walang pasabing naghubad sa harapan ko.

"Hoy! Putcha ka dedi papatayin mo ba ako?!" hinampas ko sa braso si dedi pero hinawakan ko ulit iyon at pinisil pisil, "Wow ano workout routine mo?"

"Damn it, Deene." tinabig niya ang kamay ko tsaka ako pinatalikod para hindi ko siya makita. As if naman gagana iyon eh madilim dito sa parking lot at nakikita ko ang reflection niya sa window. Naka Lactose shirt siya at naka maong. Then ang sapatos niya Sperry.

Pero habang nakita ko kanina ang katawan ni Dion mayroon siyang peklat sa dibdib niya. Diba ang sabi nila kung saan daw ang peklat ayun ang dahilan kaya tayo namatay sa past life natin?

Kitang kita ang peklat ni Dion dahil sa puti ng katawan nito. Lumaklak ata ito ng glutathione eh. Mas maputi siya saakin.

Nang matapos magbihis si Dion lumabas na kami at pumasok ng mall. Dinala niya ako sa restaurant kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Huy kakakain lang natin Dion! Balak mo ba talaga ako patabain ha?"

"Sus dami mong arte." nagsusungit nanaman itong si Dion kaya di na ako umangal at sumunod na lang sakanya. Daig talaga niya mga babae, laging may mens itong si Dion eh.

Ang daming inorder ni Dion at take note! Kami lang uubos lahat nito! Di ko ata ito kaya eh huhu.

After 1 hour...

"Busog ako Dion! Ang sarap." nag burp pa ako after ko sabihin iyon. Tumatawa na ngayon si dedi dahil nakakain na siya. Odiba lakas maka mood swings.

"Yeah. Dami mo nga nakain." nagbayad na si Dion tsaka ako dinala sa skating range at nagbayad siya sa kahera.

"Wag mo sabihing mag gaganyan tayo?!"

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now