Kabanata 3

51 7 0
                                    

Bwisit naman iyon! Ako na nga nakikipag kaibigan tapos siya pa ang may ganang magsungit? It's so unfair!

"Okay class i will be arranging your seats. So please may you all stand up first." saad ni prof. Proserpina.

Bahala siya diyan. Kung ayaw niya makipag kaibigan saakin edi wag! Sana walang makipagkaibigan sakanya. Pwe!

"Ms. Swing."

"Po?" sagot ko.

"Are you with us?" kumunot naman noo ko. Duh! Malamang.

"Malamang po ma'am nakikita niyo ako diba?" nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Bakit? Totoo naman sinabi ko ah?

Napatingin ako sa gawi ni Dionysius na parang hiyang hiya sa sagot ko. Nakakunot ang noo niya at umiling uling. Nakita ko din napangiti si ma'am.

"I said Ms. Swing dito ka sa tabi ni Mr. Potenciana." napatap naman ako ng malakas sa lamesa ko. No freaking way!

"Ma'am sa iba na lang ako uupo! Ayaw ko makatabi ang kampon ni satanas." nagtawanan naman ang mga kaklase ko at sinasabi pa na comedian daw ako. Ano kala nila nasa comedy bar kami?!

"Are you questioning me?" umiling naman ako. "Then go there. Sige na at magdidiscuss pa ako." wala na ako nagawa kundi padabog na pumunta sa tabi ni Dionysius. Argh! Arte naman neto parang ayaw na ayaw talaga saakin.

"Psst. Wag ka magaalala ayaw ko din sayo." bulong ko kay Dionysius.

"I don't care." umirap na lang ako sakanya. Sana pala di na lang ako lumipat ng school. Ayaw ko makita ito araw araw.

"Hi! Kayla, right?" kakatapos lang ng klase at lunch break na. Nilapitan naman ako ng babae na mahaba ang buhok, matangos ang ilong, fair skin at may braces. Tumango naman ako.

"I'm Rosa. Alam mo ba tawa ako ng tawa kanina sayo kasi ang cute cute mo mag react." napangiti na lang ako ng pilit. Bakit pa kailangan ungkatin ang past? Char past agad? "Sabay na tayo lunch?" aya niya.

"Sige pero sa isang kundisyon..." naningkit naman ang mata niya, "Huwag mo na babanggitin ung Dionysius na yon! Parang awa mo na." natawa naman siya at hinampas pa ako sa balikat. Grabe feeling close lang? "Natatawa talaga ako sayo, Kayla. Ang gaan gaan ng loob ko sayo." kinilig naman ako. Atleast may tao na gusto ako kaibiganin.

"Aish. Tara na nga kain na tayo." lumabas na kami ng room at nagtungo ng canteen. Nalulula ako sa daming pagkain na nakahain. Ibang iba sa dati kong school. Oops di ko sinisiraan ah!

"Anong gusto mo, Kayla?" tanong saakin ni Rosa habang nakatingin sa mga pagkain.

"Hmm." tinignan ko isa isa ang nakahain, "Ah! Eto kare kare paborito ko yan eh." tumango naman siya at nagsabi ng order namin. Lalabas ko na dapat ang pera ko ngunit tinabig niya iyon. "Libre na kita. Gusto talaga kita eh."

Napatakip ako sa bibig ko, "Omg! Di tayo talo sis! Di ako napatol sa girls." natawa siya sa sinabi. Yung totoo? Tawang tawa siya saakin eh noh?

"Baliw! Straight din ako noh. Crush ko nga si Sir A eh. Tsaka feeling ko lang na manlibre ngayon." umupo na kami sa bakanteng upuan at nagsimula na kumain.

"Paborito mo rin ang kareys?" yup. I'm weird kasi ang tawag ko sa kare kare ay kareys.

"Yes. Lagi ito niluluto ni lola. Sabi kasi ni lola yung lola daw niya ay paborito din ito. Natutunan niya itong kainin dahil sa kaibigan niya. Matalik kasi silang mag kaibigan daw non. Kaya pinagaralan niya lutuin iyon para daw mapatikhim niya sa mga apo niya." tumango tango naman ako. Sobra nila siguro mahal ang isa't isa noh? Sobra nilang trine-treasure ang pagkakaibigan nila to the point na pinagaralan itong lutuin.

Dumating si Dionysius sa canteen at tsaka umorder. Nakita kong kareys din ang inorder niya at umupo malapit sa kung nasan kami.

"Yung totoo? Kareys club ba ito?" tanong ko kay Rosa.

"Basher ka. Masarap naman kasi talaga ito." nagkibit balikat na lamang ako tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Natapos kaming kumain kaya nagaya si Rosa na pumunta kaming library. Okay naman na doon kami since may 30 mins pa bago next subject.

"Wow ang laki." napanganga naman si Rosa, "At ang ganda!" hinila na niya ako sa mga libro at inisa isa ito.

"Anong paborito mong genre ng libro, Kayla?"

"Hmm. Di ako masyado palabasa eh. Ikaw ba?"

"History." napa 'ahh' naman ako.

Umupo na kami at siya naman nagbasa sa napili niyang libro. Nagpaalam naman ako na maglibot libot muna dito sa loob.

Nandito na ako sa kadulo-dulohan ng shed at inisa isang hawakan ang libro. "Hmm ang bango!" napukaw naman ng atensyon ko ang isang libro na nasa taas. Sinusubukan ko iyon kunin pero ang liit ko at di ko maabot!

"Argh! Ang pangit pangit mo di kita maabot!" maktol ko sa libro na di ko maabot abot. Daig pa mga pangarap ko sa buhay eh. Hirap ma-reach.

"Tsk. Let me." narinig ko ang isang lalaki na nakasandal isa sa mga shed. Tsaka lumapit saakin at kinuha iyon ng walang hirap.

"Thanks Dionysius." napa 'tsk' na lang ulit siya at umalis na sa tabi ko.

"Ano? Nakahanap ka ba ng libro?" tanong saakin ni Rosa.

"Yep."

Nakabalik na kami sa classroom at saktong dumating ang prof namin. Pinaalala lang niya ang mga lesson na natackle namin nung SHS kami. Balik alala session si sir. Char!

"Next week we'll be having your first pair up activity regarding sa ma le-lesson natin sa following days. Pero ngayon ko na kayo i-papair up."

Nalungkot ako kasi di kami magkapair ni Rosa kaya kinakabahan na ako kung sino makaka pair ko. Sana huwag siy–

"Last pair is Mr. Potenciana and Ms. Swing."

Nako nako naman! Ang swerte naman talaga ng buhay ko oh. Potek! Isang potek si Potenciana! #POTEKCIANA.

Ayaw ko na gumawa ng scene at magreklamo dahil ayaw ko nang mapagtawanan. Sumangayon na lang ako.

Uwian na at nagliligpit na ako ng gamit. Hinihintay ako ni Rosa na matapos sa labas kaya dinadalian ko.

"Hey Deene. My house this Friday." saad ni Dionysius saakin at hindi na niya hinintay sagot ko dahil lumabas na siya ng room.

Well i have no choice kundi pakisamahan si Dionysius. That God of wine piece of shit. Grr.

---

To Live With You [COMPLETED] Kde žijí příběhy. Začni objevovat