Kabanata 7

47 8 0
                                    


"Ayy may paganon si Dionysius?! Ikaw na Kayla ang haba ng hair." umacting pa si Rosa na ang haba talaga ng buhok ko. Binatukan ko naman siya.

"Boba! Hindi pede dahil kayo ang ship ko nun." ngumiti naman siya saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Basta masaya ka o masaya man si Dionysius payag na ako roon. Hangad ko ang kaligayahan mo parati, Kayla." inalis ko sa pagkakayakap saakin si Rosa na may pagtataka sa mukha ko.

"Hangal ka ba, Rosa? Hindi ko gusto si Dionysius noh! Sayo na iyon dahil kayo ang gusto kong magkatuluyan."

"Bahala ka Kayla basta ako gagawin ko ang sinisigaw ng puso ko. Tara na uwi na tayo."

--

"Sasama ka sa buwan ng wika, Kayla?" tanong ni kuya saakin.

"Oo bakit masama ba" nakauwi na ako ng bahay at ngayon ay iniintriga ako ni kuya na dapat wag na ako sumama sa buwan ng wika dahil wala naman ako gagawin doon.

"Nako. Nagsasayang ka lang ng pera Kayla. Wala ka naman gagawin don."

"Eh sa gusto ko masubukan kung ano nangyayari don eh."

"Nako kayong dalawa hayaan mo na kapatid mo Kyrone. Minsan lang naman yan eh." ani daddy.

"Bahala kayo. Nako sinasabi ko sayo Kayla wala ako don umayos ayos ka. Nalaman ko na pinopormahan ka nung Dionysius ba yon? Sinasabi ko sayo." umirap na lang ako. I'm 18 and ngayon pa nila ako pagbabawalan na mag boyfriend? Kung kelan na legal age na ako?!

"Hayaan mo na nga yang kapatid mo Kyrone. Malaki na yan alam na niya ang tama at mali. Hayaan mo na ienjoy ni Kayla ang buhay."

Napangiti ako ng malawak tsaka niyakap si daddy, "Bleh!" binelat ko si kuya kaya umirap na lang siya at umalis.

Kinabukasan, sabay kami ni Rosa pumasok at ngayon ay nakasakay kami ng jeep papunta rp.

"Anong klaseng filipiniana ang susuotin mo para sa buwan ng wika next week?" tanong saakin ni Rosa.

"Ung traditional. Ikaw ba ano ba balak mo?"

"Hmm traditional na lang din para parehas tayo!"

Napaaga ang pasok namin ni Rosa dahil wala pa kaming kasama sa room kaya nag decide akong pumunta muna magisa sa library.

Dito na lang ako magaaral para sa sw namin mamaya kay ma'am Proserpina.

Habang nagaaral ako dito tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito at nagulat ako si Dion ang text.

Dion:

Have you eaten breakfast?

Kayla:
Hmm kumurot lang ng konting tinapay. Bakit?

Dion:

Where you at?

Kayla:

Library.

Dion:

Wait for me. Otw.

Hindi na ako nagreply kay Dion at hihintayin na lang siya. Nagsorry na si Dion saakin at sino ba naman ako para di patawarin ang isang ito diba? Tsaka may gayuma ata ung fluffy pancake ni Dion dahil araw araw ko gustong matikman iyon.

"Hey Deene." may humaplos ng balikat ko at nakita ko si Dion na may hawak hawak na tupperwear, "For you." binuksan ko ung tupperwear at laking gulat ko na fluffy pancake iyon ni Dion!

To Live With You [COMPLETED] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant