Chapter 4: Punishment?

31 2 0
                                    


Eushia

We're currently on our way back to DH. Nasa gitna na kami ng tulay at kahit gabi na, maganda pa rin ito. Kumikislap ang tubig dahil sa repleksyon ng buwan at sobrang ganda nitong tignan. Nakakamangha.

"Guys, nasaan pala si Poppy?" Tanong ni Autumn.

"Huh? Eh diba kasama mo siya kanina?" Nagtatakang tanong pabalik ni Xandrei. Tama siya, kanina pa magkasama si Autumn at Poppy kaya siya dapat ang nakakaalam kung nasaan siya.

Agad naman kaming kinabahan dahil napansin naming hindi nga namin kasama si Poppy. Sht, nasaan na ba kasi siya? Hindi naman ako nag-aalala dahil di ko naman sila kaibigan at wala ako no'n pero pag nahuli kasi ang isa ay damay-damay na. Lagot kami kay Jaxton. Sht.

"POPPY?! NASAAN KA BA?!" Sigaw ni Autumn. Gusto ko sana siyang sabihan na wag sumigaw dahil baka may makarinig pero tinatamad akong magsalita. Hayaan mo na nga.

"Poppy?" Medyo malakas na tawag ni Kyoushin.

"POPPY?!" Malakas naman na sigaw ni Xandrei. Tss dapat sabi di sila sumigaw e. Nakita kong ngumisi ng tipid si Kyourin at parang pinapahiwatig na alam niya kung paano matatawag si Poppy. Mukhang nakuha naman ni Kyoushin 'yun at biglang namutla. He was about to speak but Kyourin already shouted.

"POPPY GISHENA HOWARDS!" Mas malakas na sigaw niya. Gosh, sobrang tahimik niya pero ang lakas pala ng bunganga. Mas malakas pa kay Poppy. I hope he warned us first because I feel like my eardrum's gonna explode. I can even feel the ground shaking, literally. That's how loud his scream was. Oh my, wait a minute, did he just say 'Howards'? As in Poppy's surname is Howards?

"SINONG SUMIGAW?!" Sigaw pabalik ng isang babaeng boses. Wait, is that Poppy? Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at bumaba ang tingin ko sa malaking lawa sa baba ng tulay. And there Poppy was, in the lake.

"What the—- What are you doing down there?" Gulat na tanong ko dito.

"Ah, nahulog kasi ako. Hehe." Umahon na ito sa tubig at narealize naming lahat na hindi namin alam kung paano siya makakabalik dahil matataas na bato na ang nasa paligid ng lake at masyadong mataas ang tulay, hindi kakayanin kung aakyatin niya dahil masyadong mataas.

"Pano 'yan? We can't just call the teachers because they will discover this place and they might tell this to the higher-ups and there's a possibility na ipasara nila ito." Tama si Kyoushin, ano ngang gagawin namin? Hindi naman namin pwedeng iwanan lang si Poppy sa baba. But wait—-

"Didn't you say that headmaster's one of the old-students who made this secret path?" Tanong ko kay Xandrei.

"Yes, but that was just a rumor. Hindi ko alam kung—-" Pinutol ko ang sasabihin niya at sinabing,

"I don't care. You don't know me." Then I gave him a smirk. Kinuha ko na ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ng kapatid ko at ni-loud speaker ito. Tatlong ring lang at sinagot niya na agad ito.

"Hello, Eushia? What do you need?" Ramdam kong nagtatangis na ang bagang nito dahil inis siya sa'kin lagi at alam niyang tinatawagan ko lang siya kapag may kailangan ako. Pansin kong gustong magtanong ng mga kasama ko pero itinaas ko ang isang kamay and mouthed 'wait'. They'll probably ask how the hell did the headmaster know me.

"Jaxton, I need your help." Labag man sa loob ay sinabi ko na ito.

"What if I don't want to help you?" Parang batang sagot nito. Pano ba naging headmaster ang childish na 'to?

"Then I will tell Mom and Dad that
you——" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang sumagot.

"Fine fine. I will help you. What do you need?" Hah, madali lang naman palang kausap 'to e. Good.

Deteria HighWhere stories live. Discover now