C H A P T E R 11

5 0 0
                                    

Chapter Eleven

-

Matapos kong makipagkwentuhan kay Eli ay nakipaglaro na din ako sa iba pang mga bata na naroon, halos dalawang oras din kaming nanatili sa lugar na iyon ng mapagdesisyunan namin ni Warren na umuwi na. Ihahatid niya muna ulit ako sa school dahil iniwan ko doon ang sasakyan ko

Habang nasa byahe ay panay ang tawa ko dahil sa mga ikinwento sa akin ni Kurt tungkol sa pagtulong daw noon ni Warren sa pagdidilig ng halaman

"Bakit kasi nagdilig ka pa?"

"Of course I want to help"

"Eh naging swimming pool nga daw yung isang paso don dahil nakatulala ka lang doon sa dumaang babae"

"Hey, that's not true"

"Not true", panggagaya ko sa tono ng boses niya, "kulang na lang daw ay tumulo ang laway mo"

Nakita ko namang nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko

"Noon daw ay may niyakap ka ding babae na hindi mo naman kilala kaya nasampal ka"

Napahawak naman siya sa noo niya dahil sa mga kinukwento ko, siguro ay nahihiya siya dahil sa mga sinabi ko kaya't mas lalo pa akong napatawa dahil sa itsura niya

"Now you're smiling genuinely", napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya

'To the place where fake smiles are forbidden'

Humarap ako sa kanya at ngumiti, "Thank you"

Ngiti lang din ang isinagot niya sa akin

"Pero bakit nga ba doon mo ko dinala?"

"Those children have heart disease"

'What?!'

"They are all smiling despite having a disease, because they want to share happiness to those people who come and visit them. They want to tell everyone that no matter what your problem is, you don't have to fake your smile"

Hindi ko inakalang sa likod ng mga ngiti at tawanan namin ay ang sakit na nararamdaman nila marahil ay katulad ng sabi ni Warren na totoo ang mga ngiti nila, hindi pilit at peke, iyon bang tipo ng ngiti na nakakahawa, iyong ngiti na magiging dahilan para makalimot ka sa problema kahit panandalian lang

Hindi ako nagsisisi na sumama ako kay Warren dahil nakilala ko ang mga batang nagpapatunay na kahit gaano pa kabigat ang problema mo kailangan mo pa ring magpatuloy, kailangang umusad ang buhay mo kasabay ng mga ngiti na totoo at tunay

Maya- maya ay tumigil ang sasakyan niya sa may parking ng school, kaya't isinakbit ko ang bag ko at saka bumaling sa kanya

"Thank you for today, Warren"

Agad namang siyang ngumiti  dahil katulad kanina ang kanyang mga mata ang nagpapahayag kung gaano siya kasaya

"Have a good night, EA", bumaba na ako matapos iyon

Mahimbing ako nakatulog ng gabing iyon dahil na rin siguro sa pagod sa pakikipaglaro sa mga bata, matagal na rin nung huli kong ginawa ang mga bagay na iyon. Sulit naman lahat dahil sa sandaling panahon ay nakalimutan ko ang nakaraan

Nagising naman ako ng mas maaga kaysa sa alarm ko, kaya napagdesisyunan ko na ipagluto ng pagkain si Warren, pa-thank you sa kahapon

'Ano bang kinakain ng lalaking iyon?'

Nagluto ako ng adobo at saka ko inilagay sa isang lunchbox na meron ako, sinamahan ko na rin ng rice at tatlong slice ng apple. Hindi ko alam kung tatanggapin niya 'to o hindi, pero kung hindi ay ibibigay ko na lang kay Loren, naghanda din ako ng para sa sarili ko

Maaga din akong nakarating sa school, pababa na ko ng sasakyan ng mapansin kong  sabay kaming dumating ni Warren sakay din ng sasakyan. Nauna akong bumaba dahil mukhang hindi naman niya napansin na nandito na rin ako.

Pero nang makailang hakbang ako ay isang malakas na busina ang narinig ko kaya nabitawan ko ang dala kong paper bag dahil sa gulat

"Sorry", ngingiting bungad sa akin ni Warren. Agad namang sumama ang mukha ko dahil sa ginawa niya, kay Loren ko na nga lang to ibibigay

"What's that?", pagtukoy niya sa paper bag na nabitawan ko na animo'y sinisilip- silip pa. Iniabot ko sa kanya iyong bitbit ko

"Is this for me?", nagliwanag ang mukha niya at abot- tenga pa ang ngiti. Pero hindi ko na siya sinagot at nagdiretso na lang, medyo nahihiya din kasi ako na ibigay sa kanya iyon kaya't ayoko na makita pa niya ang reaksyon ko ngayon,"EA, you're so sweet", pasigaw niyang palahaw

Muli ko na namang naramdaman ang pag-init ng pisnge ko kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko at nagdiretso na sa room namin

Nagsimula ang klase at napansin na naman ng prof namin na maagang pumasok ngayon si Warren, sa mga ibang subject naman ay halos katulad lang din ng mga ordinaryong araw. Umikot lang sa discussion, activities at mga presentation ang buong umaga. 

"Aztryd, tara na", wika ni Loren, "ikaw?", baling niya naman kay Warren

"Let's go", parang batang sagot ni Warren

Nakarating kami sa canteen nang bigla namang nagmessage sa akin si Reign na mauna na daw kaming kumain kasi nag- overtime daw sila sa subject nila ngayon

Pagkaupong- pagkaupo pa lang ay inilabas na agad ni Warren ang ibinigay ko sa kanyang lunchbox kanina na ipinagtaka naman ni Loren. Kaya bago pa makapagtanong si Loren ay tumayo na ko at bumili ng bottled water, ganoon din ang ginawa ni Warren habang suot pa rin ang napakalawak niyang ngiti

Pagkabalik namin ay mag pagkain na ulit si Loren na kinakain, nang ilabas ko ang lunchbox ko ay hindi ko namalayan na iyon pala 'yong kapartner ng lunchbox na ibinigay ko kay Warren kaya't mas lumawak pa ang ngiti nitong lalaking katabi ko

"Sana all", agad na sambit ni Loren. Samantalang ito namang si Warren ay sinadya pang ipakita kay Loren ang design ng lunchbox niya at ang mga utensils na naroon, maging ang pagkain na nakalagay doon

'Ganyan ba talaga siya?'

"Sana all pinagluluto"

"EA is so sweet", natatawa- tawang usal ni Warren

Tumahimik na lang ako dahil ayoko ng magsalita pa

Parang bata na kumakain si Warren, mukhang ipinagmamalaki pa  'yong lunchbox niya. Natatawa naman ako sa inaasal niya, pero aaminin kong humahanga ako sa makulit na side niya. Mukhang gusto niya pang inggitin si Loren dahil sa ginagawa niya, napakacute niyang tingnan. Panibagong ugali na naman niya ang hinangaan ko, bukod sa pagiging magiliw niya sa mga bata ay may panahon pa lang ganito siya umakto.

"Akin na lang 'to ah", naka-pout pa siya habang sinasabi na iyong lunchbox ang tinutukoy

- S E S E Y












Borrowed TimeWhere stories live. Discover now