C H A P T E R 3

26 3 0
                                    

Chapter Three

-

'Bakit naman bawal tumitig ang iba sa akin?'

Dahil sa pagkamangha ko sa sinabi niya ay pinigilan ko ang akmang paglayo niya kaya't hinila ko ang pala- pulsuhan niya  na siya namang naging dahilan ng pagkakaroon ng ingay na pumukaw sa atensyon ng lahat ng naroon

"Excuse me, kung wala na kayong gagawin dito, you can get out", mataray na sabi ng librarian 

Bigla niyang kinuha ang gamit ko at binitbit ito

"Saan tayo pupunta?", akala ko ay hanggang dun na lang ang kabang nararamdaman ko pero mas lalo lang nagkagulo ang sistema ko ng hawakan niya ang kamay ko

"Tayo?", nagpakawala siya ng ngiti kaya bahagyang sumingkit ang mga mata niya

'Bakit ang gwapo niyang ngumiti?'

Natauhan lang ako ng iba pala ang pagkaintindi niya sa sinabi ko

"Ha? Ibig kong sabihin-"

"Hindi ko alam na may 'TAYO' pala", may diin talaga sa salitang pinatutungkulan niya

"Ano?...hindi yon-"

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko 

"Library ito, pwede bang sa labas na lang kayo mag-usap?", naiirita na ang librarian marahil sa boses ko na may kalakasan 

Lumabas kami ng siya ang may bitbit ng mga gamit ko, hindi pa rin ako mapakali dahil sa ibang pagpapakahulugan niya sa sinabi ko

'Baka mamaya ay sabihin niyang may gusto ako sa kanya'

Humanga ako sa kanya dahil talagang ma-appeal siya, na kahit halatanag hindi pa ayos ang damit niya ay talagang may dating siya, gwapong pakinggan ang boses niya, ang paraan ng pagtitig niya parang hipnotismo pero hindi naman ibig sabihin non ay  gusto ko na siya

"Mali yung pagkaintindi mo"

"Sabihin mo ng mas maaga para alam ko", iyon lang at nagdire-diretso na siya sa paglalakad

Wala naman kasi talagang kami, hindi naman yun yung gusto kong sabihin

"Teka, yung gamit ko", patakbo akong sumunod sa kanya

'San ba kasi kami pupunta?'

Nagdire- diretso lang siya sa paglalakad at mukhang hindi niya ko papansinin

'Bakit kahit likod niya ang gwapong tingnan?'

Nakarating kami sa parking area at napansin kong papunta siya sa sasakyan niya habang dala pa rin ang gamit ko

"Warren, pwedeng ibigay mo na sa akin yung bag ko?"

"Are you done with my portrait?", nawala na sa isip ko ang tungkol don

Hindi ko na natapos iyon dahil napuno ang ng katanungan ang utak ko kung bakit lahat ng bagay na makita o kahit marinig ko ay konektado sa kanya, pero dinala ko iyon dahil katulad ng sabi ko kanina ay talagang inaasahan kong makikita ko siya

"Hindi ko pa tapos", pag-amin ko

"Gusto kong ayos ang uniform ko sa portrait "

"So?", nagtataka kong tanong

Sa halip na sumagot sa tanong ko ay tinalikuran niya ko at sumakay na sasakyan niya habang dala pa rin ang gamit ko

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now