C H A P T E R 4

17 3 0
                                    

Chapter Four

-

Pinuyat ako ng kakaisip kung bakit ko nga ba siya iginuhit, naisip kong isagot na lang sa kanya na nakita ko siya at natipuhan ko lang na iguhit siya pero kahit ako ay hindi kumbinsido sa ganoong sagot. Hindi ko rin naman gustong sabihin na na-gwapuhan ako sa kanya kaya ko ginawa iyon, o kaya naman ay nakuha niya ang atensyon ko noong araw na iyon

Paulit-ulit ko ring tinanong ang sarili ko, pero kataka-takang kahit saang sulok ng isip ko ang puntahan ay dumadating sa sagot na may kakaiba sa kanya at idagdag pa doon na parang konektado ang lahat ng bagay sa kanya

Naisipan ko ring mag-search sa internet kung bakit ganoon ang kabang nararamdaman ko at ganoon ang naiisip ko sa tuwing makikita o maririnig ko ang boses niya pero lahat ay isa lang sinasabi

*You are in love

*You probably like him

*It is normal to be in love with someone

Sa halip na makatulong ay mas lalo lang nitong pinagulo ang mga rason na pumapasok sa isip ko

'Hindi ako in love, humanga lang ako sa kanya at hindi ibig sabihiin non ay may gusto na ko sa kanya'

Alam ko ring may mga bagay akong napansin sa kanya na mukhang pamilyar sa akin, pero hindi ko ito pinansin

'Kaya ba konektado lahat sa kanya?'

Mabuti na lang at wala akong pasok ngayon, mas mahaba ang oras ng ipag-iisip ko ng rason kung bakit ko siya iginuhit

Habang kumakain, mas napagdesisyunan ko na 'wag na lang munang pagtuunan ng pansin ang tungkol doon at mas ibaling na lang ang atensyon sa mga gawain sa bahay. Kaya't pagkatapos kumain ay nilinis ko ang kwarto ko, binago ko ang mga pwesto ng mga gamit na naroon sa sala, pinalitan ko din ang mga kurtina, nag-aral at nagbasa- basa ng mga lesson na nahihirapan ako

Nagagawa din ako ng bagay na madalas kong gawin pero hindi ko na ito itinuloy dahil mukhang simula ngayon laging siya lang ang maiisip ko sa tuwing guguhit ako

Hapon na rin kaya't  pumunta na lang muna ako sa coffee shop na madalas ko ding puntahan dala ang sasakyan ko at mga gamit na pwede kong gawin kung sakaling ma-bored ako, dahil isa ito sa mga lugar na natatandaan kong lagi naming pinupuntahan ni ate noon

"Hi Aztryd"

"Bagong gupit ka yata ngayon Shad, ah", puri ko sa kaibigan kong feel na feel ang bagong hairstyle niya

"Syempre, baka masisante tayo", tatawa-tawa niyang sabi

"Bagay"

"Tayo", sinabayan pa ni Shad ng pagkindat

"Hoy Shad, puro ka harot", may bahid ng pandidiri ang isa  ko pang kaibigan

"Panira", parang batang nagmamaktol

Nakita ko namang lumapit si Zen sa akin at saka ako niyakap

"Ngayon ka na lang ulit pumunta dito", bakas ang tampo sa tono ng boses niya

"Madaming gawain"

"Kape, madam?", malakas na palahaw ni Shad

"Yeah", tipid ko namang sagot

Iginiya naman ako ni Zen sa isang lamesa, mabuti na lamang at walang masyadong tao

"Kamusta?", bungad ko sa kanya

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now