C H A P T E R 27

6 0 0
                                    

Chapter Twenty Seven

-

Habang nakabalot ang bisig niya sa akin ay unti- unti akong kumalma at huminto ang pagtulo ng mga luha sa aking mata, hindi ko pa rin masabi kung galit ba talaga ako sa kanya, dahil gustuhin ko man, alam kong may rason kung bakit hindi niya iyon sinabi. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, isa-isa niyang kinuha ang mga nakakalat na papel at polaroid sa sahig, hindi na siya nag-abala pang tumayo at sa upuan umupo at sa halip ay sinaluhan niya akong damhin ang lamig na nanggagaling sa sahig 

"I'm sorry for hurting you", mahinahon niyang sambit habang ang mga mata ay nakatitig sa akin, pinunasan niya ang luha ko

"Just please tell me why you have all of these", hindi na katulad ng kanina, alam kong ngayon ay handa na kong makinig, na hindi na ako puno ng inis at galit kundi ang kagustuhan na malaman ang dahilan niya

"Yes, I know you...you're my childhood friend", batid sa boses niya ang pagiging masaya marahil ay inaalala niya ang mga panahong binabangit niya

"Pa'no?"

"Still remember the place where we met Eli and Kurt?"

Iyon yung lugar na pinuntahan namin kasi sabi niya ang peke daw ng ngiti ko, iyon yung lugar na sandaling nakapagpalimot sa'kin ng lungkot ko at iyon ang lugar na may mga batang napakatapang sa kabila ng sakit nila sa puso

"Anong meron?"

"That's the place where we first met, lagi kang pumupunta doon kasama ang family mo ", nakangit niyang sambit at iniabot niya sa akin ang picture na magkatabi kami at parehong naka- party hat

"December 23, 2008?", pagtatanong ko ng makita ang date na nakasulat sa baba

"Seventh birthday ko", tumawa pa siya ng bahagya

Pumulot ako ng isa pang picture ko na umiiyak at siya naman ay nasa tabi ko na parang kino- comfort ako 

"Anong nangyari dito?", natatawa na din ako sa itsura ko dahil mukha akong naapi doon

"You still want to play with me  pero uuwi na kayo"

Ang kaninang luha ko ay napuno na ng ngiti at tawa dahil sa mga kwento niya, na kahit hindi ko maalala ang lahat ng sinasabi niya, natutuwa ako dahil may isang tao na kilala ako, na pwedeng makatulong sa akin na maalala ang lahat, na hindi ko man alam ang pangyayaring iyon, alam kong may isang taong nakaalam nito. 

'Kahit hindi ko matandaan ang lahat, may isang taong maaring magkwento sa akin ng aking nakaraan'

"Wait...doon ka nakatira?", sambit ko ng marealize ko ang sinasabi niya na dinadalaw ko siya at binibista

"Yeah", agad na dumaloy ang kaba sa buong sistema ko, hindi ko alam kung kakayanin ko bang itanong sa kanya ang tanong na iyon, o mas tamang itanong ay kung kakayanin ko bang makakuha ng sagot galing sa kanya sa takot na baka tama ang naiisip ko. Walang lumabas na salita sa bibig ko dahil nahihirapan ako na isiping doon nga siya nakatira, nanariwa lahat sa ala-ala ko ang mga panahon na sobrang saya niya at ng mga bata na pinuntahan namin doon, kung gaanong kagaan ang loob niya sa mga ito. 

Noong oras na sabihin niya sa akin na lahat ng mga batang nakatira doon ay may heart disease, doon pa lang ay nahirapan na kong tanggapin na sa murang edad ay ganoon ang pinagdadaanan nila

'Pa'no kung pati siya ay may sakit din?'

'Pa'no kung hindi niya lang sinasabi sa'kin?'

"Magaling na ko", paniniguro niyang sagot na parang nabasa niya lahat ng tumatakbo sa isip ko

Para akong nabunutan ng tinik dahil alam kong mahihirapan akong tanggapin kung malaman kong may sakit siya dahil aaminin kong higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya at ngayong alam kong naging parte siya ng nakaraan ko ay nabuyan ako ng loob na maaring may maktulong sa akin na makaalala ulit at masaya akong siya 'yon

Nang mapansin ko naman ang isa pang picture na nasa ospital ako, agad din akong nagtanong

"Bakit ka may picture nito?"

"What?", hindi makapniwala niyang sagot, "I'm the one who's taking care of you"

Naramdaman ko na namang nag-init ang pisnge ko dahil sa sinabi niya, ibig sabihin alam na niya lahat ng nangyayari sa buhay ko, kahit sina Loren ay kilala na niya bago ko pa man sila ipakilala sa kanila, dahil sa mga picture na nakikita ko alam kong binabantayan niya ko

Hindi na ako nagtanong pa at sa halip ay isa-isa kong tinitingnan lahat ng pictures na nakakalat pa rin sa sahig habang nakangiti, hindi na ko nakaramdam ng galit, nakakapagtaka na napalis lahat ng iyon dahil lang sa mga salita niya. Nang matapos kong tingnan lahat ng naroon ay tinulangan niya akong mag-imis at agad akong pumunta doon sa silid na may nakasabit na painting na nakita ko kanina

"Tayo ba yan?"

Tumango siya at katulad ko ay pareho naming pinagmasdan ang painting, gusto kong balikan ang ala-alang ito pero sa ngayon ay mukhang imposible pa kaya't ang tanging pwede ko na lang munang gawin ay maging kontento sa mga larawan, drawing at mga kwento niya

Pareho naming dinadama ang katahimikang bumabalot sa buong silid, gustuhin man naming parehong magsalita ay natatalo iyon ng kagustuhang titigan kung ano ang nakasabit sa dingding, siguro ay sinasariwa niya ang ala-alang ito kaya't ganoon na lang ang ngiti niya habang pinapagod ang sarili na pagmasdan ang painting

"Sinong nagpaint?"

"Ikaw"

"Bakit na sa'yo?", tanong kong muli nang hindi inaalis ang paningin sa painting

"That's the last gift na binigay mo sa'kin", bumuntong hininga pa siya ngunit agad ding ngumiti, "when we were 10"

Agad akong napalingon sa kanya pero agad din siyang nagsalita

"Wanna go to the place where we first met?"

Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay, sabay kaming sumakay ng sasakyan dahil hindi ko na nahintay na pagbuksan pa niya ko, unti -unti ng dumadaloy sa sistema ko ang pananabik na makarating doon kahit alam kong malayo- layo pa ito. Nagsuot ako ng seatbelt at lumingon sa kanya para lang makita na nakangiti na siya habang pinagmamasdan ako

"I've been waiting so long to finally say that I miss you, EA"

-S E S E Y



Borrowed TimeWhere stories live. Discover now