C H A P T E R 28

2 0 0
                                    

Chapter Twenty Eight

-

Nang makarating kami sa lugar na sinsabi niya, hindi ko matandaan na nakarating na ako sa lugar na ito. Tiningnan ko siya para sana tanungin kung ito na ba ang lugar na tinutukoy niya kung saan kami unang nagkita pero mga mata niya lang na namumula ang nahagip ng paningin ko.

Nang mapansin niyang nakatingin ako, agad siyang ngumiti.

"This is where it all started", panimula ni Warren.

Habang naglalakad upang ikutin ang lugar ay nagpatuloy siya sa pagsasalita

"I can still remember the first thing you said to me", ngumiti siya habang inaalala ang mga nangyari, "Participant ka din?"

Napangiti ako dahil pilit niyang iniipit ang boses niya para gayahin ang batang ako

"You're wearing a pink dress that time and you have this 'barbie' backpack na puno ng art materials. You're also have this big ribbon on your hair and...," pansamantala siyang tumigil, "and you're just so beautiful"

Napangiti ako sa sinabi niya, ngayon pakiramdam ko unti-unti ng nabubuo ang mga piraso ng palaisipan sa nakaraan ko dahil sa mga kwento niya. 

"Also, that time the theme is to draw something that is really precious to you" 

"And what did you drew?"

"Ikaw."

Natawa ako sa sinabi niya, "You're so silly, Warren"

"You're so beautiful, EA"

Tinitigan niya  na naman ako na para bang ang tagal niyang hinitay ang oras na 'to, na makausap niya ko ng ganito at maikwento sa akin ang lahat. Nakakalasing ang mga titig niya. 

"But, what did I drew?",  pagtukoy ko sa contest na sinalihan naming pareho

"Your sister"

Agad akong napangiti kasabay ng pamumula ng aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.

Muli na namang nanumbalik sa akin ang mga tanong na pa'no kung hindi kami tumuloy sa Batanes, pa'no kung hindi kami naaksidente, pa'no kung hanggang ngayon buhay pa si ate.  Madaming bagay ang gusto kong ibahagi sa kanya, siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Siya ang nagparealize sa akin kung gaano kaganda ang art, siya ang unang naniwala sa akin at sumuporta sa lahat ng gusto ko, pero nawala ang lahat ng iyon ng dahil lang sa isang aksidente, nawala siya sa akin dahil sa kagustuhan kong bumalik sa Batanes. 

Mas lalo pang naging masakit dahil wala akong matandaang ala-ala na kasama ko siya kundi ang oras na nangyari ang aksidente. Hanggang ngayon ay parang pauli-ulit na sinasaksak ang puso ko dahil ang huling naalala ko ay ang nakahandusay niyang katawan na puno sa dugo. Ang tanging alam ko lang ay siya ang ate ko. 

"Hey, you ok?", sambit ni Warren, "I'll take you home, it's getting late"

"Thank you", iyon lang ang tanging naging sagot ko 

Habang nasa kotse ay wala akong imik marahil na rin siguro sa lahat ng nalaman ko ngayong araw. Masaya ko na merong isang tao na maaring makatulong sa akin na maalala ang lahat ngunit sa bawat kwentong sinasabi niya ay ganoon din ang poot na nararamdaman ko dahil patuloy kong inaalala ang mga taong nawala sa akin dahil lang sa isang aksidente.

Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Warren ay hinawakan niya ang kamay ko na siya namang ikinagulat ko

"I'm sorry"

Sinagot ko siya ng nagtatakang tingin

"I'm sorry, hindi ko sinabi sa'yo agad"

"It's fine" maikling sagot ko, "Can I stay in your place?" 

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon pero siguradong hindi ko kayang mag-isa ngayon, hindi ko alam kung makakilos ako kung matapos ng lahat ng nalaman ko ngayon at mas lalong hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mag-isa lang ako sa bahay. 

Pagdating namin sa bahay ay marahang binuksan ni Warren ang pinto. Bumungad sa'min ang isang maleta na nakalapag sa sala ng bahay niya. Napuno ako ng pagtataka kung bakit mayroong maleta roon gayong sa pagkakaalam ko mag-isa lang siya sa bahay. 

Nakita ko namang binuksan niya ang cellphone niya upang tingnan, matapos mabasa ang nakalagay doon ay narinig ko siyang bumuntong hininga. 

Bumaling siya sa akin, " upo ka muna"

Umupo ako gaya ng sabi niya at dumiretso siya sa isa pang kwarto na naroon

"Warren", narinig kong usal ng isang lalaki

"Kuya, what are you doing here?" may galit sa tono ng boses ni Warren, "It's still my time"

"Welcome home, Kuya. Kamusta flight?" sarkastikong sagot naman ng lalaki

Narinig kong lumabas sila ng kwarto at napatigil ang lalaking kausap lang kanina ni Warren

"She's here?" hindi na nakasagot si Warren at agad siyang lumapit sa akin

"Sorry, do I know you?" iyon ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung nakita ko na ba siya noon o kilala ko ba siya 

"No." madiin na sagot ni Warren

"Uhmm, Aztryd", nag-aalinlangang pakilala ko

"I'm Wren, Warren's older brother", kinamayan niya rin ako bilang tugon

Habang hawak niya ang kamay ko ay ramdam ko ang singsing na nakasuot sa daliri niya kaya't marahan kong sinilip iyon at napansin kong katulad iyon ng singsing na nasa panaginip ko. Iyong singsing na inibigay sa akin ng isang lalaki para magpropose. Ngunit hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. 

"Nice to meet you", nakangiti kong usal

"Nice to see you"

Mas lalo akong nagtaka sa isinagit niya.

"Anyways, nakakain na ba kayo?", sambit niya ng mapansing naguguluhan ako sa nangyayari

"Hindi pa" sagot ni Warren

"Nagluto ako, sabay-sabay na tayong kumain", alok ni Wren

"Sure, ayusin ko lang gamit ko", sagot ko

Sinamahan naman ako ni Warren sa isa sa mga kwarto na siyang magiging tulugan ko mamaya. 

Habang nag-aayos ng gamit ay muli kong binalikan ang nangyari kanina, hindi ko makita na magkamukha si Warren at Wren, kung tutuusin ay hindi ko malalamang magkapatid sila kung hindi ko narinig na tumawag si Warren ng kuya. Dagdag pa dito ang singsing na suot ni Wren. Nagkataon lang ba na kapareho iyon ng singsing na nasa akin. 

Maya-maya ay narinig ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto kaya't binuksan ko ito

"Let's eat" sambit ni Warren

"Sige, susunod ako"

Kanina ko pang napapansin na nagbago ang timpla ni Warren nung nakita niya ang kuya niya pero hindi ko na iyon masyado pang pinansin at dumiretso na ko sa kusina

Pagkadating ko sa lamesa ay nakaupo na si Warren samantalang si Wren naman ay nagtatanggal ng apron na suot niya. Nang ilapag ni Wren ang kare-kare na luto niya ay amoy ko na agad ito, sa amoy pa lang ay nagugutom na ko.

"It's your favorite", usal ni Wren

"Yupp, pano mo nalaman?" tanong ko

"Nasabi sa'kin ni Warren"

Tiningnan ko naman si Warren at ngumiti lang siya sa'kin.

-S E S E Y

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now