Chapter 28

259 13 0
                                    

Bago umuwi ay dumaan ako sa plaza kung saan kami unang nag kita ng Catastrophe.

Dahil nagugutom ay pinuntahan ko si manong na pinag bilhan namin ng fishball noon.

"20 pesos po, kuya." Inabot nito ang stick at ang cup na lagayan nito.

"What a poor thing." Napa-hinto ako sa pagtusok sa pang-labing syam kong pag tusok sa fishball nang may mag salita sa gilid ko.

"Raquel? Anong ginagawa mo dito?" Kuryoso kong tanong. It's not like her to go to places like this. She's someone who will prefer to go to mall or anywhere fancy.

"I just saw you walking and followed you." Kibit balikat nitong sagot.

Naka-dekwatro itong umupo sa tabi ko nang matapos akong tumuhog ng fishball.

"Gusto mo?" Tanong ko at inilahad ang cup ng fishball.

She looked at me disgustingly. "Eww, no way. I'd rather die." Pagtulak nito sa cup ng fishball ko.

Tinapik ko ang kamay nito at inirapan. "Hindi din naman kita bibigyan."

Hindi maka-paniwala ako nitong tinignan. "You're so annoying! Paano ka kaya natatagalan ni Thaddeus?!"

"Hindi ko din alam. At tsaka, pwede ba? Tigil-tigilan mo nga ang pag lilingkis mo kay Thaddeus!"

"What? Anong gagawin mo kung di ako susunod?" Mayabang akong tinignan nito at may ngising nang-aasar.

Isinenyas ko ang sarili kong braso na hiniwa gamit ang aking hintuturo.

"You're impossible!"

"Yeah, kaya sa susunod, distansya. Okay?"

Bumuntong hininga ito at natahimik.

"Alam mo ba kung bakit ako habol nang habol sa kanya?" Maayos naman ang tono nito kaya sinabayan ko nalang.

"Oh? Bakit nga ba?" Hindi ba't gusto mo sya? Gusto ko sanang idugtong ngunit nginuya ko nalang ang fishball na nasa bibig ko.

"It's his gaze. I saw how he looked at you that night." Naka-tanaw ito sa malayo at mahinahon ang boses.

Hindi ba't normal na kay Thaddeus ang tumingin nang ganoon?

"I never thought that a person could look at someone like that."

"I will stop pestering him if...." This time she looked at my eyes and helf my hand.

"If you could look at him the way he looks at you."

I did not reply Thaddeus' message dahil naisipan kong tawagan nalang sya pagtapos ko magbihis.

Napa-hinto ako sa pinto nang maalala ang sinabi ni Raquel. Of course, I can look at him the way he looked at me.

Pumasok na ako sa bahay namin, at may narinig ako na nag tatawanan sa bandang kusina.

Nangunot ang noo ko ng makita ang isang hindi pamilyar na babae na nakikipag tawanan kay mama.

"Ma." Bati ko sa kanya. Tumayo ito at hinalikan ako sa noo.

"Oh bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay."

Hindi ko sya sinagot at tinapunan ng tingin ang babae na nasa harap nya.

Napansin naman nito ang nagtatanong na tingin ko sa kanya at sinagot ako. She is a beautiful woman, nangunot ang noo ko dahil parang may ka-hawig sya. Despite of her age, she can slay even if she's in her mid 40's.

You Exist (Catastrophe Series #1)Where stories live. Discover now