Chapter 26

271 11 0
                                    

Hindi ko magawang ituon ang aking atensyon sa sinasabi ng propesor.

Hindi maalis sa isip ko ang letter na nakita ko kagabi, is that a threat? I have to find out who's messing with me. I hate to think that it was just a prank knowing that I just saw the box inside my room.

Dismissal na kami, at kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko nang tanungin ako ni Asthea.

"Did you really quit on your job?" Tanong nito, at ipinasok ang binder sa kanyang bagpack na green. Asthes loves green, lalo na yung matcha green, kaya pati ang utak nya ay berde.

"Yeah." Tango ko. I already quit on my job dahil pinagpilitan ito ni mama, since mabait akong anak ay pumayag ako.

"Let's go." Anyaya ni Thaddeus at kinuha ang bag na naka-sukbit sa balikat ko.

"I'm so hungry. Nasaan na daw yung tatlong bugok?" Pasaring ni Finn.

We are walking in hallway, papunta sa gate ng school upang kitain si Yxel, Rileson at Kent.

"Nasa gate na daw sila, inaantay tayo." Sagot naman ni Thaddeus na tumingin sa kanyang cellphone.

Siniko naman ako ni Asthea habang nag lalakad at bumulong.

"Hey, wanna hang out later?" Ikinawit nito ang kanyang braso sa akin at bumulong.

Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga at sinabing, "Why are we whispering?"

"Dahil paniguradong sasama yung lima." Sagot nito at isinenyas na huwag maingay.

Napakunot ang noo ko at nilingon sya.

Dahil sa bulungan naming dalawa ay nauna nang maglakad ang dalawa at nahuhuli na kami ni Asthea.

"Why? Ayaw mo silang kasama?" Tanong ko.

"Anong pinag bubulungan nyo?" Tanong ni Thaddeus, he look so dashing in his black slacks, white polo, white rubber shoes, his hair is naturally messy, at naka lambitin ang isang strap ng kanyang bag at ang sa akin sa kanyang kaliwang balikat at nilingon kami.

Kinurot ni Asthea ang aking bewang at napabalikwas ako.

"Baka matunaw." Asar nito, at inirapan ko sya.

"Wala, kuya. May pinag chi-chismisan lang kami." Palusot ni Asthea, at mukha namang pinaniwalaan iyon ni Thaddeus dahil tumango ito at tumalikod na.

We reached the university's gate, at nakita ko ang pag kaway ni Rileson at Yxel sa amin. As usual, si Kent ay parang posteng naka-tayo at nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

"Ready na kayo?" Tanong ni Yxel at inaayos ang kwelyo ng uniform nya.

Their guitars and Finn's drumstick are in Finn's compartment already.

It's December 1, ang araw kung kailan ang audition nila sa HGRE, at lahat kami ay kinakabahan. We did not bother changing our uniform into formal ones dahil malapit ng mag 5:30, that's their call time.

Sabay-sabay kaming nagtanguan, at tinahak ang parking lot na kaliwang gilid ng gate.

Finn and Kent have a car na sasakyan namin ngayon. Thaddeus didn't bring his motorcycle dahil napagpasyahan namin na makiki-hitch nalang kami.

Kent's BMW shine among all the cars in here.

"Lakas maka-pogi ng sasakyan mo, ah!" Asar ni Yxel kay Kent at sinakal ito gamit ang kanyang braso. Natatawang tinapik lang ni Kent ang kanyang braso upang alisin ito sa kanyang leeg.

You Exist (Catastrophe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon