CHAPTER 15

32 7 0
                                    

ELIYA'S POV

Sana all sinisipag magpunta sa requests, mas gusto kong matulog eh. Anyways, hindi naman ako ganoon nalulungkot sa pagkawala ng isa sa amin but that doesn't mean that I don't care, of course I care, hindi lang talaga kami close ni Cassidy. Umiiwas ako sa dila niyang mala sandpaper sa gaspang. Mamimiss ko ang mga mura niya, lalo na ang away nila ni Grayson.

Legit yung walang araw na naging complete attendance kami, kesho nagpapahinga, may request, pero ngayon, siniguro ni Sir Res na papasok kaming lahat, even William na hindi pa gaanong magaling. Pahirapan din kaming pinilit ang iba na pumasok. Cassrine will be the exchange for Cassidy, yun ang sabi. May mahahalaga raw kasing sasabihin si Sir Res sa amin.

"Bes, sa tingin mo good or bad news yung sasabihin ni Sir?" tanong sa akin ni Rowan habang naglalakad kami sa Hallway.

"Pano ko naman malalaman?"

"Pwet mong may gulaman! Tinatanong ng maayos eh, wag kang epal epal jan ha. Hindi kita iimbitahan sa birthday ko eh."

"Tapos naman na birthday mo, blehh"

"Next birthday mamsh! Bongga bday ko kaya umayos ka kung gusto mong maka attend."

Nagtawanan kaming tatlo nina Hadleigh at Calli habang nagpauna ng maglakad sa kanila ni Rylee, umabot kami sa Classroom pero lahat sila ay tahimik, feeling ko tuloy bad news ang matatanggap namin, wag naman sana. Ang bigat ng atmosphere sa classroom parang hindi ko kilala ang mga naririto. Madidilim ang mga mukha nila at nananahimik sa kani kaniyang upuan.

Ang Class A-1 na nakasanayan ko ay maingay at walang hiya, magulo ang tables and chairs at makalat ang classroom pero lahat kami masaya. Unlike now, parang Math class ang buong araw namin sa gantong hitsura. Tahimik kaming naupo sa kani kaniya naming upuan at ginaya sila.

Malay ko ba? Baka uso lang ito. Duh.

Pagdating nila Rowan ay kasunod nila si Kris na malabnaw rin ang reaksyon sa mukha, hindi na ako naninibago roon dahil sino ba naman ang sasaya kung di ka tanggap ng mga kaklase mo diba? Oh shet, we forgot about something.

KRIS'S POV

Iyon na nga ang sinasabi sa akin ni Ms. Angerys, kagaya nga nila ako, nakita ko kanina kung paanong frineeze nung new Girl yung babaeng naka jacket na ayaw ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula na ipakilala ang sarili ko sa kanila, paano kung mas lalo pa nila akong ayawan once na malaman nila. I know I deserve to be in the highest section because I've tried my best.

Malamya akong umalis ng tinatawag nilang base kanina at pumasok pero dumaan muna ako sa Class B para kunin ang mga natitira kong gamit doon. Maayos ring nagpaalam sa akin ang mga dati kong kaklase, at si Ren ang pumalit sa akin bilang Class president. Speaking of Ren, may nakakahalata akong trip niya si Ryleigh, eh may jowa na nga.

Anyways, akala ko it would be great to be part of the highest section, pero habang unti unti kong natutuklasan ang sikreto nila ay mas lalo pa akong nagiging interesado. Naghahanap nalang ako ng tamang tiyempo para i reveal kung sino ba talaga si Kris Navine.

"Good Morning Class A-1" wala sa huwisyo akong tumayo kasabay ng pagtayo ng lahat.

"Good Morning Sir! Welcome to Class A-1, All is well. More or less." bati nila kay Mr. RES.

Matagal silang nakatayo ramdam ko iyon, nakayuko lang ako dahil sa ilang pero pag angat ko ng tingin ay nakatitig silang lahat sa akin. Mga matang nakakatakot, mababangis at handa kang kaninin anumang sandali. Mas kinilabutan ako nang makita ang mga mata ni Grayson Morris. Mapula ang mga iyon at parang nagliliyab sa inis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CLASS A-1: Rise Of The BeastWhere stories live. Discover now