CHAPTER 8: Sarcose

54 11 1
                                    


MARTIN'S POV

Kasama ko sila Terrence nang magkahiwa-hiwalay kaming Class A-1 pero habang daan ay nasalubong naming pabalik sila Grayson with Muichi and landen carrying Cassidy, Jaycee, Naveah, at si Leilani!?

Huminto ako para harangin sila upang tanungin ang nangyari. Napansin din ni William na wala si Jane sa mga buhat nila gayong ka tropa ni Jane ang mga buhat nila Grayson. Inilahad ng maayos sa akin ni Muichi ang naganap bago ako inaya ni Grayson na bumalik sa club together with Terrence, William and Allan.

Grayson uses his ability to transfer the information of the way kay Terrence para madali kaming makarating sa club at BOOM! GLITCH! SHENG! nakarating kami agad.

"Hindi mo matatalo ang isang taong walang kahinaan sa pamamagitan ng hawak mong armas!" Nakakatakot na doble dobleng boses ang nadinig ko mula sa babaeng nasa gitna. If I'm not Mistaken, si Jane iyon, dahil hindi siya kasama nila Maci, Naveah at Leilani.

"JANE!!!" Sigaw ni William at akmang lalapit sa nagliliwanag na surface malapit kay Jane pero bigo siya at muli lang siyang napaatras. "JANE!!!!" muli niyang sigaw na nag-aalala na talaga.

Sinubukan pa nila ni Terrence na mag teleport palapit kay Jane pero hindi gumagana. Napalilibutan ng buhangin at alikabok si Jane saka nagliliwanag ang buo niyang mata. Gayon din at may hawak siyang palaso at may nakakakilabot na ngiti sa kaniyang mukha. Ngiti na parang naaaliw na pumatay ng kapwa mabangis na hayop.

Samantalang mababasa naman sa mukha ng lalaking kaharap niya ang takot dahil pinagpapawisan na ito at nagdadahan dahan sa pag atras. Parang hindi si Jane ang pinapanood ko ngayon dahil kilala ko si Jane na mahinhin, mabait at mahinahon, pero sa makikita ko ngayon ay isang Jane na nakakapanindig-balahibo at animoy handa ng pumatay anumang segundo. Ang ngiti niyang may awang halo ang mas lalong sumisindak sa akin.

Kung ako ang nasa puwesto ng lalaking kalaban niya ay talagang kakabahan na ako.

Itinaas niya ang palasong kaniyang hawak at bigla nalang niyang naagaw ang pana na hawak ng kalaban niya at siya naman itong nag Aim ng maayos at itinutok ang palaso sa kaniyang kaharap.

Grabe! Si Jane ba talaga ito!?

"JANE!!!" Muling sigaw ni William na nagpupumilit na makalapit pero patuloy lang siyang nasusugatan at natutumba pabalik.

"Terrence, Isama mo kila Muichi sila Becca at Caroline." Dinig kong wika ni Grayson.

Si Becca? Bakit? Nilingon ko silang nasa likuran ko at napansin kong nakatulala lang silang pareho gaya ng sitwasyon ng ibang nakasalubong namin kanina.

Tumango si Terrence at sinunod ang inutos ni Grayson, hahabol pa sana ako para ibalik si Becca sa huwisyo pero huli na ako dahil nakapag teleport agad si Terrence paalis.

"JANE!!!!!!" patuloy parin sa pagsigaw si William kahit na hindi siya nadidinig ni Jane.

"Wag ka ng makialam pa William, don't you see? She's about to win this." Confident na sabi ni Grayson.

Naka aim parin si Jane sa lalaki gamit ang pana at palaso pero hindi niya ito itinitira. Sa tingin ko, sa kabila ng tindi at lakas ng kapangyarihang bumabalot ngayon kay Jane ay nandoon parin ang pagiging mabuti ng kalooban niya at hindi niya mapatay ang kalaban niya.

Ilang saglit lang at binitawan na niya ang puwit ng palaso at pinatamaan ang lalaki. Headshot!

Right after matumba nung lalaki ay nawala rin ang liwanag sa paligid ni Jane at nabitawan niya ang panang hawak, sa pagkakataon ring iyon ay hindi na magpaligoy-ligoy pa si William at agad na tumakbo palapit kay Jane. Sumunod ako nang makitang maging si Grayson ay lumapit. Pinakuha sa akin ni Grayson yung palasong tumama sa noo nung lalaking kalaban ni Jane kanina na siyang ginawa ko.

CLASS A-1: Rise Of The BeastOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz