CHAPTER 5

69 10 14
                                    

MACI'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MACI'S POV

Basta ang alam ko, naging maayos ang trato sa amin ng students sa AU buong week, wala ring sinasabi ang mga teachers kapag nag k-klase sila sa room namin, hindi parin kami madalas sumagot hindi dahil hindi namin alam ang isasagot, kundi dahil trip naming asarin ang guro, at ngayong gabi na nga pala gaganapin ang Senior's Night. Wala kaming pasok ng hapon para makapaghanda kami, at hindi mo alam kung gaano ka excited ang klase namin. Lahat kami ay magkakasamang nagpunta sa mall para bumili ng susuutin na damit. Dalawa lang naman sa mga girls ang hindi talaga nag susuot ng dress eh. Si Cassidy at Naveah, maging make ups ayaw nila. Bonakid...

Si Master Jaycee na ang humila sa kanilang dalawa para pagsukatin ng mga dress. Halatang hindi interesado si Naveah pero parang on the mood naman si Cassidy at nagagawa pang mag posing habang suot ang dress. Habang si Naveah ay yamot na lumalabas ng fitting room.

Sa huli si Master Jaycee parin ang nangibabaw sa ganda pagdating sa pamimili ng dress, matanda na kasi kaya sanay na. Short gothic and victorian ang napili naming mga babae para isuot mamaya, ewan lang namin sa mga boys, sila kase ang magkakasama, sabi nila surprise daw ang datingan nila mamaya kaya hindi na kami nagpa-spoil pa. Tinernohan naman namin ng boots and heels ang mga damit naming lahat saka umalis na doon sa botique. Naghintay nalang kami sa isang fastfood restaurant sa mga boys, habang nandoon ay hindi ako mapalagay kay Jaycee, kanina pa kasi siya namumutla..

Okay matagal na siyang maputla pero iba ngayon, iba yung vibes na baibibigay niya sa akin, kanina pa siya tahimik at nakayuko lang na nakakunot pa ang noo habang nilalaro ang mga matutulis niyang kuko.

Nakita kong hinila niya si Cassidy papunta ng comfort room habang nakatakip ang kamay niya sa kaniyang labi.

CASSIDY'S POV

"Titiisin mo nalang? Hanggang kailan ka mamumuhay na parang isang normal na tao?" Nag cross arm ako at sumandal sa pader sa loob ng CR habang nagsusuka siya.

"Ayoko namang makasakit uli ng tao."

"Pano yan? Mukhang hindi apoy ang ikakamatay mo?"

"Hindi ako mamamatay!" Sigaw niya sa akin. Nagkibit balikat nalang ako at pumikit.

"Ikaw ang bahala. 5 centuries ka naring hindi kumakain ng dapat mong kainin."

"Sinabi ko na nga sa inyo...ayoko sa dugo."

"Hindi dahil sa nandidiri ka...kundi natatakot ka lang na hindi makontrol ang sarili para inumin iyon at gustuhin mo pa ng mas marami." Hindi na siya sumagot pa. Tinignan ko lang siya at napansin kong humahaba na ang mga pangil niya. Senyales na gutom na nga siya. "Sinabi ko naman sayo... Tutulungan kitang bumihag ng pwede mong mainom."

CLASS A-1: Rise Of The BeastWhere stories live. Discover now