CHAPTER 13

40 5 0
                                    


DANAERYS' POV

Ang daming wala ngayon, kalahati lang ng klase ang pumasok dahil lahat ng boys eh wala, nagmukha tuloy kaming girl's classroom, pero okay rin, mas tahimik saka alam ko naman na nag aalala sila para kay William. Kami rin naman eh. Kakaunti na nga lang kami ngayong umaga tapos may lakad rin kami mamaya nila Alley at Jorelle. Sigh.

Alam ko na tong ganito eh, maraming absent, tas kinabukasan sasabunin na naman kami ng mga subject teachers namin na mas matino ang Class B
Cheche-bureche.. blah blah blah. Akala naman nila may pakialam kami sa sinsabi nila. In short, nagsayang lang sila ng laway.

Minsan nga eh nag oovertime pa sila kakasatsat nila. Himala nalang kung may matutunan kami sa klase nila, yawa. Oh, I almost forgot! Meron pala, YUNG TALAMBUHAY NILA, kinukumpara nila kung sino sila noon sa sino kami ngayon. Edi wow, diba?

Well, about naman sa lakad namin mamaya after lunch, hindi kami gagala, gaya nila William ay may kinuha rin kaming request. It's about Murder.

Now here's the situation written on the letter by Mrs. Crowell.

Every week daw ay may pumapasok sa bahay nila para manloob and everytime daw na may magtangkang pumigil sa kaniya ay agad niyang papatayin. Ayon kay Mrs. Crowell, tinatadtad ng salarin ang biktima ng saksak sa iba't-ibang parte ng katawan nito, kung minsan nga'y kumukuha pa raw ng mga organs ng tao. That's a shit.

Noong una raw ay sinubukan itong pigilan ng asawa niya pero humantong nga ito sa malagim na pagkamatay. Kidneys, liver, and eyeballs daw ang kinuha nito sa kaniyang mister, at hindi lang iyon, maging ang mga appliances na madali niyang nakukuha ay tinatangay niya. Nung pangalawa raw ay ang anak naman niyang lalaki ang pinatay. Sumunod ang anak niyang babae na bunso na di umano'y hinalay muna bago pinatay.

Hindi na raw nila alam ang gagawin dahil tatlo nalang daw silang naroroon at puro pa raw babae, hindi raw mahuli ng mga pulis ang taong ito kahit na marami na siyang record sa headquarters at maraming bahay narin ang nalooban. This letter cought my attention kaya nagpasama ako kay Alley at Jorelle, they agreed to do it.

Kakaisip ng planong gagawin namin ay hindi na ako nakinig pa sa mga sinasabi ng teacher namin. Ayaw naman nila sa amin eh, hindi namin sila pipilitin. As Sir Tim always says, We are not born to please everyone.

Marami sa amin ang nagtanong before, 'Bakit ba natin ito ginagawa?' well, habang tumatagal eh na realize namin na, hindi lang pala namin ito ginagawa para sa ibang tao, ginagawa namin ito para rin sa sarili namin. Nangyaring hindi kami naligaw ng landas at nagagamit namin ng maayos ang mga abilidad namin, sa patnubay ni sir Tim and Res.

Speaking of Sir Tim, two days na siyang walang eksena sa room at sa bahay ni Sir Res. Ngii.

"So, Anong plano?" nilapitan ako ka agad ni Alley nang makalabas ng pinto ang teacher namin. Last period na namin ito ngayong umaga at maya maya lang ay magbubukas na ang gate. Iniharap naman ni Jorelle ang upuan niya para makinig.

"Ako lang mag p-plano? Kayo? Anong nsa isip ninyo?"

Tinignan ako ni Alley. "Nasa isip ko, kung bakit wala dito si Ryleigh." aniya. "Madalas natin siyang kasama sa mga request diba?"

"Sa ngayon, mukhang may problema sila ni Matthew, hayaan nalang muna natin sila." si Jorelle, "Alam mo na...LQ."

"Buti nalang bes wala tayong jowa." biro ni Alley kay Jorelle

"Ikaw wala, ako maraming asawa. Nasa Korea silang lahat. Busy sa work para sa future namin." may pa flip hair pa si Jorelle sabay tawa.

"May asawa rin ako bes! Si Jaycee, panes hindi yan tumatanda."

CLASS A-1: Rise Of The BeastWhere stories live. Discover now