27

9.9K 176 4
                                    

Kinaumagahan nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. 'Oo nga pala dito na ako nakatulog sa kwarto ni Matthew.' Naramdaman ko na may nakaakap sa bewang ko at nakita ko ang natutulog na mukha ni Matthew. Umikot ako ng higa para magkaharap na kami.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Ang mga nakapikit niyang mata, ang matangos niyang ilong at ang mapula niyang labi. Saka ko naramdaman na parang namamaga rin ang labi ko, nasobrahan ata kagabi. Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil paniguradong magigising siya kapag humagikgik ako dito.

Inalala ko yung mga nangyari kagabi at naisip ko na ako pala ang nag-udyok para may mangyari sa aming dalawa. Kaya napangiti nalang ako.

'Ginusto naman naming dalawa ito, hindi naman niya ako pinilit. Paulit ulit pa nga niya akong tinanong. Kaya parehas naming ginusto ito.'

Babangon na ako para makapaghanda na ng almusal namin kaya dahan dahan kong inialis yung kamay niya sa bewang ko kung saan yun nakapatong at saka nalang ako uupo ng kama.

Papatayo na sana ako nung bigla akong hinatak ni Matthew papahiga ulit ng kama.

"Where do you think you are going?" Tumatawang sabi ni Matthew habang kinikiliti ako sa tagiliran.

"Matthew... tama na!" Sinasabi ko habang tumatawa. Saka siya tumigil at hinalikan ako sa magkabilang pisngi.

"Good morning Love." Sinabi niya sa akin saka pumatong sa akin. Parehas pa rin kaming walang damit.

"Good morning din Love" sagot ko sa kanya. Saka niya ako hinalik halikan sa leeg papuntang dibdib ko. Masarap sa pakiramdam pero iniangat ko ang ulo niya.

"Love hindi ba tayo magbebreakfast?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Love ito na ang breakfast ko." Sagot ni Matthew kasama ang pagkatamis tamis na pilyong ngiti.

Tumawa ako ng malakas saka itinulak siya.

"Ang ibig ko pong sabihin, pagkain." Pabiro ko sa kanyang sinabi.

"Love kahit ito lang kumpleto na, busog na ako. Isa lang please?" Nagpapaawang sabi ni Matthew sa akin. Kaya napangiti lang ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi bilang pagpayag sa gusto niya. At para siyang bata na nakatanggap ng regalo nung sinunggaban niya ako.

Tanghali na siguro nung nagising ako ulit sa kama ni Matthew. Pero wala na siya dun. Wala pa rin akong suot na damit. Nakatulog siguro ako pagkatapos namin makailan kaninang umaga. Pagkatayo ko kakaiba ang pakiramdam ng binti ko. Kaya nagdahan dahan akong maglakad. Hinanap ko yung mga damit ko pero wala na dun.

'Siguro kinuha na ni Matthew at nilagay na sa marumihan'

Kaya pumunta ako closet niya para kumuha ng tshirt niya. Since matangkad naman siya magmumukhang palda sa akin ang shirt niya. Pagkasuot nagpunta na ako ng banyo para makapaglinis ng sarili.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Matthew na gumagawa ng sandwich sa kusina. Napansin ko rin ang relo banda dun 11:45pm na pala. Naglakad pa ako palapit dun nung napansin niya ako.

"Love, you look hot." Sinabi niya sa akin at pagkalapag ay agad na lumapit sa akin para yakapin ako at halikan.

"Matthew wag muna kasi sayang naman yung ginawa mong pagkain." Pagbibiro ko sa kanya.

Tumawa lang siya at humatak ng isang upuan sa dining table at pinaupo ako. "Maupo ka lang dyan. Kunin ko lang yung pagkain." Sabi niya sa akin. Ang sweet talaga niya.

Napaisip ako habang papalapit siya sa akin . 'Ano na kami ngayon? Girlfriend na niya o fiancee na niya?'

Hinintay ko na makabalik si Matthew dala ang sandwich na ginawa niya at nginitian ko siya.

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon