22

9.4K 194 3
                                    

Nasa loob na kami ng bahay nila tita. Nakaupo si tita sa sofa habang pinapaypayan ni Mara at inaabutan ng baso ng tubig. "Ma, inum ka muna ng tubig" narinig kong sabi ni Mara.

Hinatak ko papalayo si Matthew sa may kusina. "Ano bang ginawa mo? Bakit mo sinabi sa kanila yun?" Mahina kong sinabi kay Matthew pero may diin.

"I don't know. It just slipped out." Nakangiting sabi niya. Parang nang-iinis pa siya.

"Diba nag-usap na tayong dalawa kanina?" Naiiyak na ako dahil sa sobrang inis. Pero hinampas ko siya sa braso.

"Nadine, sorry. Naisip ko kasi na baka tanungin ka nila tungkol sa singsing kaya sinabi ko na." Paliwanag ni Matthew.

"Dapat saka mo na yun inisip-" may sasabihin pa sana ako pero nakita kong Palapit sa amin si Mara.

Tumingin siya kay Matthew balik sa akin. "Excuse me lang ha? Gusto kayong makausap ni Mama" sabi niya sa amin. Kinabahan ako sa tono ng pagsasalita niya. Mukhang hindi maganda ang mangyayaring ito. Kaya sumunod nalang kami sa kanya. Pagdating ng sala nakita kong nagpapaypay pa rin si tita at hawak ang baso ng tubig.

"Maupo kayo. Gusto ko kayong makausap." Sabi niya sa amin. Kaya umupo kami ni Matthew sa mahabang sofa sa harap ni tita.

"Tita mag---" mag-uumpisa na akong magpaliwanag sa kanya pero tinignan niya ako na parang sinasabi na 'ako muna ang magsasalita' kaya hinayaan ko siya.

"Nadine hija." Nakatingin siya sakin at alam kong nangingilid na ang luha ko. "May isang linggo ka palang sa Manila at babalik ka dito para sabihin sa akin na mag-aasawa kana?! Alam kong hindi ako ang nanay mo pero sana malaman mo na disappointed ako sayo."pagpapatuloy niya at ang kanina pang nagbabadyang mga luha ay unti unti ng bumagsak.

"At ikaw naman? Matthew hindi ba?? Anong ginagawa mo sa buhay at pwede bang ipaliwanag nyo sa akin bakit napakabilis naman ng mga pangyayari?" Tanong niya kay Matthew.

"Maam. Matthew Lee po ang pangalan ko. Meron po akong ilang business sa Maynila at iba pang lugar. Alam ko po na mabilis ang pangyayari. Kaya humihingi po ako ng paumanhin. Inaya ko na po na magpakasal si Nadine dahil alam ko naman po na siya na talaga kaya bakit ko pa patatagalin?" Pagpapaliwanag ni Matthew. Hindi na ako makapagsalita dahil parang naipit ang boses ko sa mga oras na yun.

"Hijo. Hindi yun ang punto ko. Ang pag-aasawa hindi basta basta yan." Nakita kong nakataas ang kilay ni tita kay Matthew.

"Alam ko po yun maam. Pero naniniwala po ako na may dahilan po ang lahat at pumayag siya sa akin. Maam kaya ko pong ibigay sa kanya ang lahat lahat. Kaya ko rin po siya pagtapusin ng pag-aralin." Napatingin ako sa kanya, merong something sa pagsasalita niya.

"Mama hayaan mo na si Ate Nadine. Tsaka ma pumayag naman na si ate kasi tignan mo suot na niya yung singsing." Biglang sinabi ni Mara.

Lalo akong kinabahan at nabaling sa akin ang tingin ni tita. "Opo tita pumayag po ako." Naiiyak kong sabi.

Naluluha na rin si tita nung sinabi ko yun. "Nadine, hija pumayag ka? Bakit? Gusto mo ba ang lalakeng ito?" Siya ang unang tao na nagtanong sa akin nun. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya. Naisip ko ang mga bagay na ginawa para sa akin ni Matthew at ang mga moment na parang normal lang kami. At naisip ko rin yung panahon na hinalikan niya ako sa jewelry shop. Aaminin ko na kinilig ako ng oras na yun. Hindi ko pa rin naaamin sa sarili ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Tinignan ko si Matthew at ngumiti sa kanya. Alam ko na oo sigurado na ako.

"Opo tita. Gusto ko si Matthew." Sagot ko sa tanong ni tita. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Matthew, nakita kong nagulat siya sa ginawa kong iyon.

Nakita ko rin sa mga reaksyon nila na hindi nila inaasahan yun. Kaya lalo naiyak si tita. Si Mara inalo niya ang ina. Mukhang hindi na ako dito matutulog.

Natapos ang usapan namin tungkol sa amin ni Matthew na hindi ko man lang nasabi kay tita na kung pupwede dun nalang ako matulog. Mukhang masama rin kasi ang loob niya sa akin. Ang huli lang na sinabi sa akin ni tita 'Nadine gusto kong sumaya ka, pero iingatan mo rin ang sarili mo.'. Nalungkot ako sa sinabi niyang yun. Oo nga naman kaylangan kong alagaan ang sarili ko dahil hindi naman totoo ang lahat ng ito. Si Mara naman binulungan ako 'i'm so happy for you ate' sabay umakap sa akin. Magkaibang magkaiba ang naging reaksyon nilang mag-ina. Haay!

Nakapagpaalam na kami sa kanila at sinabi namin na baka hindi na kami makabalik kinabukasan. Pagkasakay ng sasakyan tahimik lang kaming dalawa. Pero kaylangan ko na sabihin kay Matthew. "Pasensya kana. Hindi ko masabi na dun na ako matutulog." Sabi ko sa kanya.

"It's okay. Kukuha nalang tayo ng room para sayo." Sagot naman niya.

"Salamat" sagot ko naman. Tumingin na ako sa bintana ko, hindi na ko lumingon sa direksyon niya para hindi na mabuklat yung nangyari kanina.

Pagbalik namin sa hotel dumiretsyo na kami sa check in counter. Napansin kong mas maraming tao ngayon kaysa kanina bago kami umalis.

"Hi sir what can i do for you?" Bati ng receptionist.

"Hi. Nakacheck in ako dito, but I need another room." Sabi ni Matthew.

Nagtype ng nagtype yung babae sa keyboard.

"Uhm, sir? Sorry po pero fully booked na po kami. Meron po kasing wedding na nangyayari ngayon dito. Gusto nyo po bang tumawag ako sa ibang hotel to check kung meron pa silang available room?" Pagpapaliwanag nung babae.

"No need. But thank you" sagot ni Matthew saka nag-umpisang maglakad papuntang elevator.

Pero teka? San ako matutulog? Kaya kinalabit ko siya sa likod. "Matthew? San ako matutulog?"

Ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Kaya huminto ako ng lakad at pati siya at tinignan niya ko.

"Sa sasakyan nalang ako matutulog." Sinabi ko sa kanya.

"What?" Tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay?

Ako naman ang hindi sumagot at naglakad papalabas ng hotel. Pero nagulat ako kasi naramdaman kong umangat ako. Binuhat ako ni Matthew na parang bata. "Matthew ibaba mo ako!!" Pagproprotesta ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Yung mga tao sa paligid namin mga kinikilig pa ata ang itsura.

"Hold the door please" sabi ni Matthew sa lalakeng papalabas ng elevator. Buti nalang wala kaming nakasabay sa elevator.

"Matthew ibaba mo ko!" Medyo winawasiwas ko na yung paa. Biglang lumuwag yung pagkakahawak niya sa akin kaya akala ko malalaglag ako kaya napakapit ako sa leeg niya. Napangisi siya at tumingin lang sa mukha ko at ako rin sa mukha niya. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal yung mga oras na yun.

Nakarating kami sa kwarto niya saka niya lang ako ibinaba. "You can sleep here." Sabi niya sa akin. "May couch naman sila. Dun na ako." Dugtong pa niya kaya napatingin ako sa kanya. "I'll just get your bag para makapagrefresh kana." Saka siya lumabas ng pinto.

Napaupo ako sa sahig dahil nanghina yung mga binti ko. Ano ba itong pinasok ko?!

.............

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon