16

9.6K 206 2
                                    

Nakahiga lang ako sa lapag ng closet. Tumigil na ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko na rin alam kung anong oras na. Ayaw ko na munang isipin na ganito pala ang aabutin ko kay Matthew Lee. Mas masakit pala na binabalewala ang ginagawa mong effort kaysa sa physical na saktan. As if naman na alam ko kung paano mabugbog noh! haay!! 

Ano bang nangyayari sa akin.

Hindi naman ako dapat maapektuhan ng ganito, unang una hindi ko pa naman siya kakilala at pangalawa hindi naman totoo ang lahat ng ito.

“Palabas lang lahat ng ito Nadine. Kaya kahit hindi ka niya pansinin kapag magkasama kayo dito wala lang ito.”

Naiiyak na naman ako. Tumayo na ako at pumunta sa lababo sa banyo.

Buti nalang may relo dito, 8:15am palang. Maaga pa pala.

Pagkatapos ko maghilamos ng mukha napatingin na naman ako sa singsing ko sa kaliwa kong kamay, bakit parang mas mabigat siya ngayon. Haay tama na ang kakaisip! Kaya hinubad ko muna yun at inilagay sa counter malapit sa gripo.

“dyan ka muna!” Baliw na yata ako, pati singsing kinakausap ko na.

Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa kama.

“Ang tahimik naman dito.” 

Napatingin ako sa side table kung nasan yung luma kong cellphone. 

“oo nga pala hindi ko pa natawagan sila tita at Mara.”

dali dali kong kinuha ang luma kong cellphone at hinanap ang number ni Mara pero naalala ko na wala na palang load ito. Kaya kinuha ko yung cellphone na binigay ni Matthew. Gagamitin muna kita kasi wala na akong load. Dinial ko na at sinave ang number ni Mara dito.

~Ring…. ~Ring… ~Ring

Hello, sino toh??” sagot ni Mara.

“Hello Mara?” nakangiting sagot ko naman sa kanya.

Ate Nadine?” rinig ang excitement sa boses niya.

“oo ako nga.”

Ate kahapon pa namin hinihintay ang tawag mo?! grabe pinag-alala mo kami ni mama! Kanino itong number na ito?” sunod sunod na tanong ni Mara sa akin. Grabe talaga itong babaeng ito.

“Sorry naman Mara, Medyo naging busy lang. Nag-aadjust pa kasi ako dito. tsaka wag kang magmadali sa mga tanong mo.” Naguilty naman ako pero natatawarin ako sa sinabi ni Mara.

Okay lang yun ate.”natatawang sabi niya. “kamusta naman ang boss mo? san ka pala nakatira ngayon? kasama ba ni Romeo?” dugtong nya sa nauna niyang sinabi. 

“Hindi na ako nakatira kanila Romeo, sa boss ko na ako nakatira.” sagot ko sa kanya. “Mabait naman yung boss ko” Nadine yung totoo bakit labas sa ilong yung sinabi mong iyon.

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon