Encounter

8.1K 158 2
                                    

(Matthew's POV)

56....

57.....

58......

59........

12:57pm

I was counting the seconds bago dumating si Nadine. Ito na naman ako waiting in my office sa pagdating niya and her team. I am restless but very excited to see her. I know the whole office notices that I'm a bit on the edge.

I phoned Rebecca.

"Rebecca, what time yung appointment ko with the interior designers?" -Matthew

"Sir. 1pm po." -Rebecca

"Wala pa ba sila?" -Matthew

"Sir. Wala pa po. Should I call them.na po ba?"-Rebecca

"No. But how about the food? Have you ordered yet?" I know i know. I'm a bit over board.

"Yes sir. Sa Piadina po ako nag-order. Anything else sir?" -Rebecca

"That is all. Just let me know kung nandyan na sila. Thank you Rebecca."

I put down the receiver and leaned back at my chair. Nagiging OA na ako. I ones again looked at the digital clock and started to count again.

I immediately looked at the door when it swang open. I smiled and thought it was Nadine but it was Nicole.

"Hi sweetie! Did you miss me?"-Matthew

"Hello Nicole. What are you doing here?" Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya.

"Matthew sweetie ngayon dadating yung team ni Gladys diba? I also want to help with the decisions specially for the masters bedroom." She runs her fingers in to my hair and grab my head from behind to kiss me.

Ones again my office door opened, i open my eyes to look. Nandun nakatayo si Rebecca at nasa gilid niya ang mga interior designer. Nandun din si Nadine. Napansin ko na nanlaki ang mga mata nila pwera lang si Rebecca na parang sanay na nakikita kami na naghahalikan. I gently put my fingers sa baba ni Nicole to get her attention. To let her know that the people we are waiting for are here. But most importantly I saw Nadine's reaction nung nakita niya kami ni Nicole. She looked away and i saw pink in her cheeks. Is that a good sign?

Kaya nung nakuha ko ang atensyon ni Nicole hinawakan ko siya sa bewang which she doesn't mind and looked at my secretary.

"Sir nandito na po yung team ni Miss Quizon. Will you have the meeting here or in a conference room sir?" Napangiti ako dahil alam parang alam ng sekretarya ko na gusto kong makita ni Nadine na ganito sa akin si Nicole.

"Nicole. Sorry but the people are here. We have to continue our talk later." Nakatingin ako sa kanya and told her that with the sweetest smile I could manage. The smile I should have been giving to Nadine.

She looked at the back of her shoulder then back at me. "Just let them see." Then kissed me again on my lips. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. But i let her and look at Nadine's reaction. Hindi pa rin siya makatingin sa amin. Ones the kiss was done. Nicole wiped the corner of my lips.

"You can't go to the meeting with my lipstick on you." Nung natapos na niyang alisin lumipat siya sa tabi ko and now the both us are looking at the people at the door.

"Rebecca please lead them to the conference room." Sabay ngiti sa kanila.

----

Nadine's POV:

"Right this way Ladies and Gentlemen" Sinabi ni Rebecca after namin makitang naglalampungan si Matthew at yung babaeng kasama niya sa office niya.

Ako si Katrine, si Michael at si Chester ang naging mga team member ko. Since ako ang ginawang head ng project na ito. Kinuha ko si Chester not only because he is fun to be with and also he begged me.

"Mare!! Ang hot nung dalawa dun sa loob noh? Sa tingin mo jowa ni Sir Matthew yung girl?" Nilapitan ako ni Chester habang palakad kami sa isang meeting room.

"Aba malay ko! Bakit sa akin mo naman itinatanong?" naiinis kong sinabi sa kanya. Pero grabe naman, bakit naging ganun nalang si Matthew, alam ko na dati na medyo mapusok siya pero ganun ba talaga siya? Napabuntong hininga nalang ako.

"Ikaw naman question lang naman yun.." si Chester pa din.

"Sorry Chester ha? Medyo masama lang pakiramdam ko." Sana hindi nila mahalata na ayaw ko lang talagang nandito ako. Masyado akong maraming naaalala. May pinasukan kaming malaking conference room.

"Please wait here. Mr. Lee will be here in just a moment. We have some cola, juice and water here. Please help yourselves." tapos tumingin sa akin si Rebecca. "And nice seeing you again Miss Cruz."

"Thank you. Nice seeing you too." Hiyang hiya akong sumagot sa kanya. Napansin kong tinignan ako ng mga kasama ko na parang ano yun? Ngumiti sa amin si Rebecca saka lumabas nung conference room.

Pagkalabas niya pumunta ako agad sa lugar kung nasan yung mga inumin. At kumuha ako agad ng tubig dahil alam kong paparating na ang mga tanong.

"Nadine? Bakit kilala ka nung secretary ni Matthew Lee?" Tanong sa akin ni Katrine sa likod ko. Hindi ko pa rin sila nililingon.

"Uhm! Nag-apply kasi ako dito dati. kaya kilala ako nung secretary." Kaylangan ko magsinungaling para matapos na.

"Sure ka ba?Something is fishy mare." sabi ni Katrine. Humarap na ako sa kanila saka ko napansin na umaamoy amoy sa paligid si Chester. Ano kaya ginagawa nitong baklang toh?

"Katrine, baka bibig mo lang yung naaamoy mo?" sabay tawa ng malakas ni Chester. Ngumiti nalang ako sa asaran nila. Saka ko nalang binaling kay Michael yung attention ko para ihanda na yung ipepresent namin kay Matthew.

In a way, ayaw kong mapahiya sa kanya. I wanted to prove myself sa kanya na hindi ko siya kilala. At kaya kami medyo nahuli dahil sinigurado kong maganda ako ngayon na meeting na ito. Tapos pagdating namin dito makikita ko may kalampungan lang ang gago. GRRRRRR!! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Pagkatapos namin maayos ang mga gamit namin sa pagpepresent medyo naiihi ako.

"Katrine gusto mo magbanyo bago tayo magpresent? tulal wala pa naman si Mr. Lee." Inaya ko siya para may kasama rin ako.

"Naku mare! dito na muna ako hindi pa naman ako nagijingle eh. ikaw nalang." Sabi ni Katrine, malamang magtsitsismisan na naman siya at si Chester, kaya hinayaan ko na.

Iisa lang pala ang banyo dito ng pambabae at panlalake. Ang laki laking opisina iisa banyo ano ba yan? Pagkatapos kong umihi nag-ayos ako ng sarili ko sa salamin. Nagretouch dahil medyo humuhulas ako. Napabuntong hininga ako sa sarili ko. "Bakit ba naiistress ka? Trabaho lang toh? wag kang masyadong mangarag. okay?" Kinakausap ko na sarili ko sa harap ng salamin. Pagkatapos kong tignan kung ayos na ako sa salamin parang ayaw kong lumabas. Pero baka nandun na yung Matthew na yun. Kinuha ko yung bag ko saka pinihit yung pinto.

Papalabas na sana ako kaya lang may taong nakatayo sa may pintuan. Si Matthew.

"E-Excuse me." Hindi ko naiwasan na manginig ang boses ko nung nakita ko siya. Imbes na padaanin ako lalo siyang humarang sa pintuan.

"Mr. Lee, padaan po." Sinabi ko ulit sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin, at yung pilyong ngiti na naman niya ang ibinigay niya sa akin. Lumingon siya sa magkabilang gilid at sa likuran niya saka siya pumasok sa banyo. Napahakbang nalang ako patalikod.

----------

Will You Be My Pretend Wife?Where stories live. Discover now