|18|Panulat,Papel at Salita

25 3 3
                                    

Sa bawat pagsayaw ng panulat, sabay tayong umindak
Gumalaw, umikot at sumayaw sa saliw ng mga salita
Tumalon, humabol, makipaglaro sa mga salitang nais kumawala
Magtagpi, magtahi, humabi ng mga talata

Sumabay sa alon, sa takbo ng mga letra
Damhin, Pakiramdaman ang mga bantas, tuldok o kuwit, patanong o pandamdam
Umangat, bumaba, huminto sa gitna
Umikot, sumirko, umalon ang mga linya

Madiin, magaan, banayad ang paglapat ng panulat
Sa blangkong papel na bibigyang linya
Ng mga salitang mula sa isipan na hindi maibigkas
Kaya ang panulat ang sisigaw sa mga emosyon na sa papel lamang nailalabas.

090520

Nakapinid na DamdaminWhere stories live. Discover now