|25| Kape

2 1 0
                                    

Bawat higop, naglalakbay ang init sa lalamunan katumbas ay panandaliang ginhawa,

Dati'y pinangingilagan ang mapait ngunit ma-kremang lasa,

Ngunit ngayo'y panandaliang pinto

Upang makatakas sandali't magpahinga ng ilang segundo,

Mula sa mga toneladang responsibilidad at sa mabilis na takbo ng minuto.

Nakapinid na DamdaminWhere stories live. Discover now