|40| Ikaw sa Araw-araw

0 0 0
                                    

Alam kong ‘di permanente, may hangganan
Maaaring darating din ang wakas , matagal pa o maaaring agaran,
Pero hayaan mo sanang ako’y manatili - dito, sa’yo,
Habang wala pa ang ating dulo.

Hindi ko rin namang maiwasang hilingin na positibo ang maging dulo
Naising ikaw ang permanente, ang maging hangganan, isipin ang mga posibilidad.
Sana nga, pero hindi ganoon ang reyalidad,
Sasaktan ka nito babaguhin- negatibo o positibong pagbabago.

Hindi naman talaga natin hawak ang takbo ng mundo
Hindi natin kontrolado, hindi tayo sigurado,
Pero ang tanging alam kong sigurado, ay  ang ikaw,
Ang kasalukuyan, at katotohanang narito ka  sa  araw-araw.

Nakapinid na DamdaminDonde viven las historias. Descúbrelo ahora