|9| Nasirang Tiwala

21 4 0
                                    

Pinikit ko ang aking mga mata
Inaasahang bubungad ang kadiliman
Ngunit ang imahe mo ang malinaw na nakikita
Buhay na buhay pa rin sa'king isipan

Sumasayaw ang iyong larawan sa'king balintataw
Hindi malimot ang nangyari
Kasama kita sa araw-araw
Kaya ang lahat ay di ko mawari

Ang ating tawanan
Ang mga oras na tayo'y magkasama
Ang ating kuwentuhan
Ang mga sandali na tayo'y masaya

Lahat ba ng iyon ay kunwarian?
Ang masaya mo bang mukha'y masakara lamang?
Ang iyong kuwento ba'y may bahid ng katotohanan?
Na ang hagikhika'y iskrip lamang?

Ang salitang tiwala ang nagsilbi nating haligi?
Ngunit biglang nasira't gumuho
Ang masakit ay ikaw ang tumibag at bumali
Alam mo bang kayhirap na nito mabuo?

Sumibol ang pader na matibay
Pader na patuloy na nagpalayo sa atin
Mahirap nang ibalik ang tiwalang nagkaluray- luray
Mahirap nang ayusin at buuin.


Orihinal na naisulat noong:
Marso 22, 2019

Background:
Mula sa kuwento ng aking kaibigan at ginawa ko siyang tula. Mahirap na talagang mabuo ulit ang tiwala na minsan nang nasira. T_T

Nakapinid na DamdaminWhere stories live. Discover now