|14|Lihim

14 3 0
                                    

Di ko akalain na ika'y di ko tunay na kilala
Maraming lihim na kinukubli
Maraming madilim na sekretong tinatago
Na di ko alam paano isipin, paano ko unawain

Di ko maramdaman ang buhangin sa tila dagat na iyong tinatago
Na kahit sisirin ko'y malulunod lamang ako
Akala ko kay babaw lamang na gaya ng ilog na naglalagaslas
Ngunit ikaw pala'y kaylalim na kumukubli sa tahimik na tubig

Mapanlinlang ang iyong ganda, ang iyong pananahimik
Ang mukhang ito pala'y maskara na pilit na tinatago ang nakakahindik na katotohanan
Ngayong nabalatan, sumingaw ang lihim
Paano ako napaniwalang ito ang reyalidad kung may tunay na nakakapangilabot na katotohanang kinubli sa madilim na sulok?

Ipinagpatuloy at tinapos: 060220

Ang reyalidad na pinaniniwalaan ay pantasya lamang ng tunay na mundong tinago sa madilim na kailaliman.

Nakapinid na DamdaminWhere stories live. Discover now