7

150 30 0
                                    


Jayra's POV


"Uy ngiti ka naman dyan! Papanget ka lalo kapag sumimangot ka,"wika nya habang sinusundot ang pisngi ko.

"Umalis ka sa paningin ko! Naiinis ako sayo! Hmp!"Sigaw ko sa kanya at pumihit sa kaliwa.

Nagpunta naman sya sa kaliwa ko at muli akong sinundot sa pisngi.

"Sorry na nga. Promise hindi ko na kakalimutan yung pinapabili mo,"nakangiti nyang wika. "Sige na ngiti ka na...Ngingiti na yan.."Sinundot nya naman ang tagiliran ko.

"Ano ba! Tumigil ka na nga!"Sigaw ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa pagkiliti sa akin.

Sige na pinapatawad na kita. Please lang tumigil ka na!"Kaagad naman syang tumigil sa sigaw ko at umayos ng upo.


Nakaupo lang kami sa bench dito sa park habang nakatingin sa mga bata na masayang naglalaro at nag bibisekleta. Hinahabol ko ang hininga dahil sa ginawa nyang pagkiliti sa akin. Hindi ko na nagawa pang sumimangot ng makita ang nakangiti nyang mukha habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Muli sya ng tumingin sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti nya.



"Yan bagay sayo ang nakangiti. Gusto kitang nakikitang nakangiti. Lalo kang gumaganda,"wika nya saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ang tukyok ng aking ulo.



Napapikit naman ako sa ginawa nya at ng kumalas sya sa pagkakayakap ay nakatingin lang ako ng diretso sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang repleksyon ng sarili sa mga mata nya. Mas lalo akong nakaramdam ng saya ngayong kasama ko sya.


"Sa tingin mo? Hanggang kailan kaya tayo?"Tanong nya habang hindi nakatingin sa akin.




"Bakit ganyan yung tanong mo? Syempre matagal,"sagot ko. "Ayoko naman kasi na mafall sayo tapos mafafall ka naman sa iba." dagdag ko pa.


"Wow! Hugot yun ah! Ibang klase ka talaga Jayra!"Manghang-manghang wika nya habang pumapalakpak.


Natawa na lang ako sa kanya. "Ofcourse I'm one of a kind,"wika ko saka kumindat.


Natawa rin ako kalaunan dahil sa ginawa kong pagkindat sa kanya.



"Jayra...Gwaenchana?"Nag aalalang tanong ni Sachi sa akin

(Gwaenchana = Are you ok?)




"Ahm..Ne,"tugon ko.

(Ne = Yes)


"Madalas kang natutulala. Sino ba yang iniisip mo?"Nakangiting tanong ni Diana.


"Wala, namomorblema lang ako sa project namin ng mga kagrupo ko. Kaya manahimik na kayo dyan at kumain,"saad ko saka muling itinuon ang sarili sa pagkain.



Ilang taon na rin pala ang lumipas pero hindi pa rin sya mawala sa isipan ko. Sya at sya pa rin talaga. Madalas na naman akong natutulala dahil sa kanya.


"Basta Jayra, kahit anong pinagdadaanan mo lagi kaming nandito para sayo,"wika ni Maiko saka kinain yung double layerd burger pero may mga nakakalat sa mesa dahil nilakihan nya ang pagkagat.



"Stop eating like a pig Maiko!"Naiiritang wika ni Ayana saka umusog ng kaunti papalayo kay Maiko.



Umiling na lang ako sa kanila. Minsan talaga napaka isip bata ng mga kasama ko. Ay mali lahat pala kami hahaha.




"Uy nandyan na yung boy bestfriend mo,"saad naman ni Maiko at sumenyas sa likod ko.




Lumingon naman ako sa likod at nakita ko si Chan na papalapit sa direksyon namin. Nakasuot sya ng blue shirt na pinatungan ng black jacket at naka black na pantalon. Bagay pa sa kanya ang itim nyang buhok na nakahawi pa kanan. Ng makalapit sa amin ay halatang nahihiya sya.



"Excuse lang. May inuutos pa kasi yung prof sa amin ni Jayra. Kung ok lang isasama ko na si Jayra para sabay na kami pumunta sa faculty,"nahihiyang saad ni Chan habang nagkakamot pa ng batok nya.



"Sure. Anytime naman pwede yan si Jayra,"ngiting-ngiti na sambit ni Ayana.



"Okay lang naman Chan. Kahit wag mo na sya ibalik sa amin,"natatawang wika naman ni Maiko.



"Grabe mga kaibigan ko talaga kayo,"sabi ko saka umirap.



"Syempre, support lang dapat palagi,"wika naman ni Diana habang nakangiti.


Hindi lang basta ngiti ang ipinapakita nila sa akin kundi mga nakakalokong ngiti. Mga mapang asar na ngiti kumbaga. Sarap talaga nila ipatapon. Kaso naalala ko masakit pala na itapon ka na lang basta at walang ibang gustong kumampi sayo. Ah basta walang forever!



"Tara na?"Tanong ni Chan kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya.




Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko silang naghiyawan na parang may nanalo sa contest. Napailing-iling na lang ako habang nag lalakad.




"Mukhang masaya sila ah,"wika ni Chan. Tinutukoy nya lang naman ang mga kaibigan kong hindi normal.



"Mga abnormal lang talaga ang mga iyon. Parang ewan talaga kung minsan nga nahihiya na lang ako sa kalokohan nila."Napahawak tuloy ako sa sintido ng wala sa oras.




Minsan gumagawa rin naman ako ng kalokohan. Gaya ng tatakas ako sa bahay namin kapag ayoko mag aral. Pupunta lang ako sa bahay ni Sachi para manood ng movies. Bigla ko na lang tuloy na miss.



"Kamusta ka naman ngayon?"Biglang tanong ni Chan.


"Teka, bakit mo naman naitanong?"



"Wala lang. Masama ba magtanong?"Balik nyang tanong sa akin.



Napangiti na lang ako at umiling. "Ok lang naman. Tinanong mo rin ako nyan noong nagchat tayo."


"Ay oo nga no? Di bale na basta naitanong ko sa personal,"natatawa nyang saad.



Nagpatuloy kami sa paglalakad at parehas kaming natahimik. Ewan ko ba, parang ayoko ng mag open ng topic. Nahiya lang ako bigla.


Habang naglalakad ay napatingin ako kay Chan. Nakasuot sya ng itim na shirt na pinatungan ng grey na jacket. Nakablue na pantalon din sya at black na shoes. Bumagay pa sa kanya yung  buhok itim nyang nakahawi pa-kanan. Kumpara dati mas nagmatture talaga ang mukha nya.



Kaya hindi talaga mawawala ang mga fangirls nya kahit saan man sya magpunta. Lahat nga halos gustong makipagkaibigan sa kanya. Marami talaga syang kaibigan. Iba't-ibang department at pati taga ibang school. Sana all friendly.



Napagawi ang mata ni Chan sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at kinuha yung cellphone ko. Kunyari may tiningnan ako. Nakakahiya na nga yung paghiyaw ng nga kaibigan ko kanina tapos ipapahiya mo rin yung sarili mo? My gosh! Self umayos ka!




Huminto na kami sa tapat ng faculty room. Tumingin muna ako kay Chan habang binubuksan nya yung pinto. Sumenyas pa sya na pumasok ako. Para syang mga crew sa isang hotel. Natawa na lang ako sa ginawa nya at naunang pumasok.




Kahit kailan talaga hindi na sya nagbago.







•°•°•°•°•°•°•°•



A/N:
Hi po! Sana po patuloy nyong basahin ang storyang ito^_^

Luv Lots


Back To December [SKZ Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon