54

26 12 0
                                    


Narration

Masayang nag antay si Jayra sa gate ng kanilang bahay. Patuloy syang tumitingin sa kanyang cellphone at nagrereply sa mga message ni Chan. Hindi mawala ang nakakurbang ngiti sa kanyang labi habang nakatutok sa cellphone. Makalipas ng ilang sandali ay dumating na rin si Chan sa tapat ng bahay nila Jayra.


"Wala ka na bang nakalimutan?" Paninigurado ni Chan.


Umiling-iling naman si Jayra saka ngumiti. "Paulit-ulit ko nang inayos ang mga gamit ko kaya sure ako na wala na akong naiwan."


"Okay! Let's go!" Masayang sigaw ni Chan saka inumpisahan na ang pagmamaneho.


Nauna na kasi sa resort ang pamilya ni Chan kaya naman sinundo nya si Jayra. Habang nasa byahe ay kumakanta lang silang dalawa.



Lately, I've been, I've been losing sleep
Dreaming about the things that we could be
But baby, I've been, I've been praying hard
Said no more counting dollars
We'll be counting stars



Ramdam nila ang saya habang parehas na kumakanta. Muling sumagi sa kanilang isipan ang mga panahong bata pa lang sila. Naglalaro sa playground at nag aasaran. Sabay na kumakain kasama ng iba pang kaibigan. Magkasamang nangarap at nagamba tungkol sa hinaharap. Mga alaalang hindi nila malilimutan. Hindi inaakala na mahuhulog ang loob ng Jayra sa bestfriend ng taong minahal nya. Akala ni Jayra ay tapos na ang lahat dahil nawala na ang taong pinakamamahal nya. Pero hindi na hinayaan ni Chan na mahulog pa si Jayra sa iba. Ayaw na nyang makuha pa ng iba si Jayra at nakatingin lang sya mula sa malayo.



"Uy tumingin ka sa daanan!" Sigaw ni Jayra habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha.


"Sorry, hindi ko mapigilan na mapatingin sayo. Ang ganda mo kasi," muling tumingin si Chan sa daanan.



"Mamaya ka na lumandi! Magmaneho ka muna dyan! Baka makabangga ka sa ginagawa mo. Sinasabi ko sayo iiwan talaga kita dito pag nagkataon." Umayos na ng upo si Jayra at muling tumingin kay Chan.




Nakangiti lang si Chan ng malapad dahilan para makita ang dimples nya sa pisngi. Hindi mapigilan ni Jayra na mapangiti dahil kay Chan.


"Okay, mamaya na kita lalandiin pero baka matunaw naman ako sa titig mo sa'kin," natatawang wika ni Chan saka saglit na lumingon kay Jayra.



Hinampas naman ni Jayra ang braso ni Chan. "Hoy! Hindi ako sayo nakatingin! Doon ako sa mga puno nakatingin."


"So puno na pala ako ngayon?" natatawang saad muli ni Chan.


"Manahimik ka na nga lang dyan!" Humarap na lang sa bintana si Jayra dahil naiinis sya sa kagwapuhan ni Chan.



Pagkarating pa lang sa resort ay dumiretso sila sa mga nakareserve na kwarto. Magkasama sa iisang kwarto ang parents ni Chan. Sina Jayra at Hannah naman ang magkasama. Si Chan at ang bunso nila na si Lucas ang magkasama. Pagpasok ni Jayra sa kwarto ay nakita nya kaagad si Hannah na nakaupo sa gilid na part ng kama at inaayos yung camera. Dahan-dahan syang pumasok at nagulat sa biglang paglapit sa kanya ni Hannah.




"Hi, Jayra unnie," nakangiting bati ni Hannah.


Napakurap naman si Jayra saka ngumiti saka dahan-dahang nagbow.


"Mianhaeyo kung nagulat kita. Super excited lang kasi ako na mameet ka. Pero di ba nagkita na tayo before?" Nakangiti si Jayra sa naging tanong ni Hannah.



"Oo, nagkita na tayo. Pero bata ka pa noon kaya siguro di mo na matandaan," sagot ni Jayra saka inayos ang mga gamit nya.



Tumango-tango naman si Hannah. Saka kumapit sa braso ni Jayra na parang sobrang close na nilang dalawa.



"Tara unnie, picture tayo sa labas. Instagramable ang view dito," nae-excite na wika ni Hannah.


Lumabas silang dalawa at nakita ang makulimlim na kalangitan. Dahan-dahan silang naglakad sa dalampasigan at tahimik na pinakinggan ang alon sa dagat. Nakakarelax sa pakiramdam kaya naman di napigilan ni Jayra na ipikit ang kanyang mga mata. Dinama nya ang preskong simoy ng hangin at ang amoy alat ng dagat. Dumilat lang sya ng biglang magsalita si Hannah.

"Jayra unnie, sa totoo lang gusto talaga kita makausap ulit. Kasi ang damot ni Chan oppa. Lagi ka lang nya kinukwento pero di nya hinahayaan na makausap ka namin. Kahit sa video call manlang." nakasimangot na sambit ni Hannah saka naupo at tiningnan yung shell saka itinapat ang hawak na camera.


"Ang sabi nya sa'kin lagi raw kayong busy. Gusto ko rin sana kayong makausap." Tumabi si Jayra kay Hannah.

Nakakunot noong tumingin si Hannah kay Jayra. "Huh? Hindi! Gusto ka lang talaga nyang masolo."

Itinapat ni Hannah ang camera kay Jayra. "Nagalit ka ba kay Chan oppa kahit minsan?"


Napaisip naman si Jayra saka tumawa ng mahina. "Sa tingin ko nainis ako kay Chan kasi naman pinag kakaguluhan sya tsaka crush sya ng maraming babae sa campus. Pero hindi naman ako nagalit sa kanya ng seryoso. Tampo lang naman."


Tumawa naman si Hannah. "Sobrang dami talagang nag kakaroon ng crush kay Chan oppa kahit noong nasa Australia pa kami. Napakaraming nagbibigay ng love letters sa kanya."



Nagtawanan sila pareho at patuloy silang nagkwentuhan hanggang sa nakita nilang dalawa sina Chan at Lucas na umaahon. Habang papalapit si Chan ay parang bumabagal ang lahat sa paningin ni Jayra. Naisip nya na para syang nakatingin sa isang nakapagwapong model na pagkakaguluhan talaga ng mga kababaihan. Paano ba naman kasi ang ganda ng hubog ng katawan, maputi pa ang balat na parang bampira tapos sobrang bait pa kaya hindi nakakapagtaka kung lahat ay pag aagawan si Chan. Biglang nagbalik sa wisyo si Jayra ng lumapit si Hannah at sinuntok si Chan sa braso.



"Hey! What's wrong with you?!" nagtatakang tanong ni Chan.

"Your such a liar! You told Jayra unnie that we are busy but you don't want us to talk to her. Shame on you," Bumalik sa tabi ni Jayra ang nakasimangot na si Hannah.

"I'm sorry, I just want you to meet her in person-"Chan is about to sayo more but Lucas cut it off.


"Ow really? I knew that your lying. Gusto mo lang talaga syang ma solo and also, you want to kiss her an-"Hindi na natapos ang sasabihin ni Lucas dahil tinakpan na ni Chan ng bibig nito.


Nagtawanan naman sila dahil sa ginawa ni Chan. Mas lalo silang natawa sa reaksyon ni Chan. Maputi nga kasi si Chan kaya kitang-kita ang pamumula ng mukha nya. Nabitawan nya si Lucas ng tumingin sya kay Jayra na tumatawa. Si Lucas naman ay tumakbo ng mabilis papalayo.



"Hey!" Sigaw ni Chan saka tumakbo at hinabol si Lucas.


Hindi naman mapigilan ni Jayra ang tumawa ng malakas sa inasal ng magkapatid. Mukha na kasing sina Tom and Jerry ang nakikita nyang naghahabulan sa dalampasigan.




_____________

_____________

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.






Back To December [SKZ Fanfic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang