42

18 11 0
                                    


Chan's POV

Kakatapos lang namin kumain at dinala ko naman ngayon si Jayra sa tuktok ng tower. Mula rito ay makikita ang magandang tanawin.

Napasulyap ako kay Jayra na ngayon ay nakatingin pa rin sa tanawin. Parang kailan lang ang lahat. Siguro kung sinabi ko na sa kanya dati ang nararamdaman ko, hindi na siguro ganito ang nangyari. Naunahan lang naman kasi ako ng takot. May nararamdaman na talaga ako para kay Jayra magmula pa noong naging magkakaibigan kami.

Maraming mga ka school mate at kaklase ko ang nagkakagusto sa akin pero tinatanggihan ko sila dahil si Jayra ang gusto ko. Nakikipag usap lang naman ako sa ibang mga babae sa paligid kaya naiinggit sa akin yung mga lalaki kong kaklase. Siguro nasanay ako na babae ang kausap dahil na rin sa kapatid kong si Hannah, ang mama ko at si Jayra. Kapag nakikipagkwentuhan ako kay Jayra parang sya lang ang nakikita ko. Para bang naka-focus lang ang atensyon ko sa kanya. Kaya kahit kalabitin ako o sigawan ako hindi ko lang iyon pinapansin basta si Jayra ang kaharap ko.

Naging close friends ko naman sya at gusto ko naman na umamin sa kanya kaso lang naunahan na ako ni Junseo. Noong araw na umamin sya nandoon ako. Nakasilip lang at naikuyom ang kamao dahil wala naman akong magagawa. Alangan naman na pigilan ko sya. Wala naman aking karapatan na gawin yun. Buti pa nga si Junseo kasi naglakas loob sya na umamin kahit pa hindi sya sigurado sa magiging sagot ni Jayra, kahit pa  alam nya na pwedeng masira ang friendship nilang dalawa. Sa mga oras na iyon nainggit ako kay Junseo. Kasi ba naman sikat na nga ako at kilala sa school pero di ko naman naamin sa taong gusto ko yung nararamdaman ko. Napakaduwag ko talaga.

Nang kumalat na sa school na couple na si Jayra at Junseo may iba't-ibang reaksyon ang lahat. May ibang nainis at nainggit, may nalungkot at may ibang masaya para sa kanilang dalawa. Pero ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat maging masaya ako para sa kanilang dalawa pero nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama at naiinis din ako sa sarili ko. Halos araw araw akong nag iisip ng kung ano ang dapat na gawin at hindi na ako minsan makatulog sa gabi.

Kaya lumayo na lang ako sa kanilang dalawa para hindi ko sila makasama ng matagal. Normal pa rin naman ang turing nila sa isa't-isa kapag nasa school. Parang simpleng estudyante pero kapag nasa labas na ng school sobrang sweet nila sa isa't-isa at nagmumuka pa akong third wheel kaya lumayo na lang ako. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag papractice sa swimming. Kailangan ko rin naman na magpractice dahil ayokong madissapoint sa akin si papa. Sya pa naman ang isa sa mga nagtuturo ng swimming at leader din sya ng isang swimming club. Kaya ako natutung lumangoy dahil kay papa.

Lumipas ang mga araw at buwan na halos di ko na nakikita sina Jayra at Junseo. Minsan nagkakasama pa rin naman kami at kasama rin namin si Sachi. Napansin din ni Sachi na may gusto ako kay Jayra. Hindi ko alam kung paano nya nalaman pero ang sabi nya sa akin dahil daw iyon sa paraan ng pag tingin ko kay Jayra. Mukhang aagawin ko raw kasi kay Junseo. Pero hindi ko naman entensyon na sumira ng relasyon. Halata naman na minahal talaga ni Jayra si Junseo kaya hindi na ako nangingialam sa kanilang dalawa. Dahil wala naman akong karapatan na gawin iyon.

Tapos nangyari pa yung aksidente. Tinawagan ako ng pinsan ni Junseo at sinabi ang tungkol sa nangyari. Matalik na kaibigan ko si Junseo kaya kahit na naiinggit ako sa kanya ay hindi ko gustong may mangyaring masama sa kanya. Nagulat ako sa ibinalita sa akin at kaagad akong nagpunta sa ospital at naabutan ko si Jayra na nakayuko at patuloy sa pagluha.

I knew that her heart shattered into pieces because of what happened. That scene broke my heart as well. I want to talk to her so I walk towards her. Kakaibang tibok ng puso ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nilabas ko mula sa bulsa ang puting panyo pero natigilan na ako ng halos tatlong hakbang na lang ang layo ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong problema basta bigla na lang akong tumigil at napatulala na lang kay Jayra na nakayuko pa rin.

Unti-unti akong umatras at lumakad papalayo. Nagtago lang ako sa gilid habang nakikita kong patuloy na lumuluha si Jayra. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na lapitan ko sya ulit pero ayaw sumunod ng katawan ko.

Nakita ko na syang nasaktan ng sobra noon kaya hindi ko hahayaan na maranasan nya iyon ulit. Ayokong masaktan pa sya. Mas uunahin ko ang kaligtasan at kasiyahan nya. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay mahapdi pa rin ang sugat sa puso nya. Hindi naman kaagad gumagaling ang mga sugat sa puso matagal bago iyon tuluyang gumaling. Nandito ako sa tabi nya para kausapin at kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman nya. Wala akong pakialam kahit pa nag kukwento sya tungkol sa mga pinagsamahan nila ni Junseo. Oo, medyo nasasaktan ako sa mga ikinukwento nya sa akin dahil halata namang mahal nya pa rin si Junseo pero gusto kong may malabasan sya ng emosyon nya.

Hindi magandang kinikimkim lang ang nararamdaman. Tulad ng ginawa ko dati. Sobrang bigat ng pakiramdam ko noon dahil hinayaan kong mapunta si Jayra kay Junseo. Naging duwag ako pero ngayon papahalagahan ko si Jayra na higit pa sa sarili ko.


Masaya ako ngayon dahil nagkaroon ako ng chance na makasama sya. Nasa ilalim ng mga bituin at ng maliwanag na fireworks.

"Merry Christmas, kangaroo," nakangiting saad ni Jayra saka hinilig ang ulo nya sa balikat ko.

"Merry Christmas my bunny." Patuloy naming pinagmasdan ang maliwanag na fireworks sa kalangitan.


Yung fireworks ngayon na nakikita namin. Iba't-ibang kulay at nagbibigay ng matingkad liwanag  sa kapaligiran. Parang sa twing kasama ko si Jayra. Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang saya.


______

A/N:
Hi everyone! Mianhaeyo kung matagal akong di nakapag update. Finals kasi namin nitong mga nakaraang araw tapos mga one pr two weeks lang ata yung bakasyon namin. Ang saklap😭😭😭


Ikaw na nagbabasa nito, mag ingat ka ah. Mahirap magkasakit ngayon. Wag mo pabayaan sarili mo💕




Back To December [SKZ Fanfic]Where stories live. Discover now