41

35 12 0
                                    

Song for this story part: Miracles in December by EXO

Jayra's POV

Nauna na ako rito sa playground na palagi namin tambayan. Naupo na muna ako sa swing na lagi kong inuupuan. Pinagmasdan ko ang paligid at parang kailan lang ang lahat. Ang saya saya pa namin na naglalaro rito sa playground na 'to. Napabuntong hininga na lang ako at niyakap ang sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin. Bigla na lang may sumagi sa isip ko na alaala. Isang masakit na alaala na gusto kong kalimutan pero palagi akong binabagabag. Ganitong panahon din yun December.



Malinaw pa sa alaala ko ang pag punta ko sa mansion na pag mamay-ari ng pamilya ng pinsan ni Junseo. Doon daw kasi magcecelebrate ng christmas ang pamilya nila Junseo at gusto ko sana syang sorpresahin. Pinuntahan ko sya at dala dala ko ang regalo ko para sa kanya. Isang scarf na ako mismo ang gumawa. Kulay blue ang ginawa kong scarf na paborito nyang kulay. Pagpasok ko pa lang sa mansion nila sinabi ko kaagad na wag ipaalam na nandon ako kasi nga gusto ko syang surpresahin. Gusto kong sabihin sa kanya na sobrang swerte ko na lagi syang nandyan para sa akin at tatlong taon na ang relationship naming dalawa. Nasa junior high ako no'n at malapit na kaming makagraduate. Isang taon na lang at tutung-tong na kami sa senior high school.

Napagusapan namin ni Junseo na magkasama pa rin kami sa senior high. Gusto kong makasama pa rin sya at alam ko naman na gusto nya rin naman iyon. Habang naglalakad ako papunta sa malaki nilang sala ay naabutan ko si Junseo at ang pinsan nya na naguusap. Lalapit na sana ako pero natigilan ako sa pag uusap nilang dalawa.

"Kailan mo ba sasabihin sa kanya?" Tanong ng pinsan ni Junseo.

"Hindi ko rin alam. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Nangako pa naman ako na magkasama lang kaming dalawa pag nag senior high na kami," Halata naman na nag aalala si Junseo.

"Naku bro, sabihin mo na sa kanya habang maaga pa. After ng graduation aalis ka kaagad sa Canada ka na magpapatuloy ng pag aaral di ba?"

Dahil sa sinabi ng pinsan ni Junseo ay napaatras ako at nabitawan ko ang hawak na kahon na naglalaman ng regalo ko para kay Junseo. Napatulala ako at naghalo halo na ang emosyon sa utak ko. Naisip ko sa mga oras na iyon na bakit sya nag sinungaling sa akin? Hindi ako pwedeng umalis dahil nandito sa Seoul ang business ng parents ko kaya kahit anong gawin ko kapag umalis sya–baka hindi na kami magkita.

"Jayra? Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang matang tanong ni Junseo at hindi makapaniwala na nandoon ako.

Hindi ko sinagot ang tanong nya at tuluyang umatras at tumakbo papalayo. Hindi ko sya nilingon kahit pa patuloy nya akong tinatawag. Sumakay kaagad ako sa kotse at sinabi sa driver na bilisan ang pagmamaneho. Bago pa tuluyang umandar ang kotse ay lumapit si Junseo sa kotse at patuloy na hinahampas ang bintana at pilit na binubuksan ang pintuan. Kaagad ko namang ni-lock ang pinto saka umandar ang kotse.



Gusto ko lang naman sya surpresahin pero ako pa ang nasurpresa. Patuloy na tumutulo ang mga luha sa pisngi ko. Gusto kong itong tumigil pero patuloy pa rin sa pagpatak. Malayo pa ang mansion ng pinsan nila Junseo at sigurado akong hindi na ako hahabulin ni Junseo. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ilabas lahat ng emosyon ko. Ayoko syang lumayo sa akin. Natatakot ako na kapag umalis si Junseo papuntang Canada ay tuluyan nya na akong makalimutan. Kahit pa sabihin na may mga paraan naman para magkausap sigurado na mababaling sa iba ang atensyon nya.


Nagpunta ako sa playground at naupo lang sa swing habang patuloy sa pagluha. Kahit pa pinipilit ako ng driver namin na umuwi hindi ako nakinig. Halos isang oras akong nakaupo ron sa swing at ng tumayo ako ay nakarecieve naman ako ng message. Galing sa pinsan ni Junseo. Biglang kumabog ng matindi ang puso ko at halos mabitawan ko yung hawak kong cellphone ng makita ang message nya.


Kaagad kong sinabi sa driver na pumunta kami sa ospital. Pagdating ko roon ay naabutan ko ang pinsan ni Junseo at ang parents ni Junseo. Nasa labas sila ng Operating room. Naikwento sa akin na sinundan pala ako ni Junseo. Bike lang ang ginamit nya para sundan ako. Tapos habang tumatawid sa kalsada ay nabangga sya ng isa lang kotse na paparating. Kaya nasa critical na ang kondisyon nya. Mas lalo akong nanlumo ng lumabas ang doctor at sinabing patay na si Junseo. Nanlambot ang mga paa ko ng mga oras na iyon at napayuko.


Sinisi ko ang sarili dahil sa nangyari. Hindi ko inakala na dahil sa akin ay mawawala ang taong pinakamamahal ko. Yung taong kapakanan ko lang ang iniisip. Sa mga oras na iyon ay wala akong nagawa kundi ang humagulgol. Dahil  kung hindi ako tumakbo papalayo sa kanya malamang na hindi hahantong sa ganito ang lahat. Mas lalo akong lumuha ng maalala ang mga panahon na magkasama kaming dalawa ni Junseo. Masasayang alaala na kahit kailan ay hindi na muling mauulit. Dahil sa akin. Kasalanan ko talaga ang lahat ng ito.



May ibang tao pa ang dumating at dumaan sa harapan ko pero hindi ko sila pinansin. Nakayuko lang ako at patuloy na lumuha. Yung dapat sana ay masaya na celebration ay bigla na lang naging malungkot. Christmas eve ng mawala sa akin si Junseo. Isang gabi at patuloy na pumapatak ang mga mapuputing snow.


Parang eksena lang sa k-drama ang naranasan ko. Pero hindi iyon basta imahinasyon lang dahil totoo na nangyari ang lahat.

"Jayra..." Inangat ko kaagad ang ulo ng may tumawag sa akin.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha pero nakilala ko pa rin kung sino sya. Lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit.


"Shhh...Sige lang umiyak ka lang. Nandito lang ako. Ganitong panahon din yun at alam kong naalala mo na naman. Nandito lang si Kangaroo," malambing na wika ni Chan habang nakayakap pa rin sa akin.


Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano ngayon na nasa tabi ko si Chan. Kaya sobrang swerte ko sa kanya dahil nandito sya para sa'kin. Ilang sandali pa ay humarap ako sa kanya at ngumiti.



"Basta kapag may problema ka, nandito naman ako. Pwede mo kong makausap anytime," nakangiting wika ni Chan habang hinahawakan ang magpabila kong pisngi.



Tumango naman ako sa sinabi nya. Tumayo naman sya at nilahad ang kamay sa aking harapan na parang isang prinsepe.  "Halika na."


Hinawakan ko naman ang kamay nya at sumakay na kami sa kotse nya patungo sa sinasabi nyang restaurant.

____


A/N:

Hi guys! Umiiyak talaga ako habang tinatype ang chapter na 'to. Tapos samahan pa ng song na Miracles In December by Exo. (English cover pala yung nailagay ko sa itaas kasi naman para mas magets yung meaning ng song hehe)

 (English cover pala yung nailagay ko sa itaas kasi naman para mas magets yung meaning ng song hehe)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Back To December [SKZ Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon