Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS

Start from the beginning
                                    

Ang totoo nyan, sa kabila ng pagiyak ko kagabi na ngayon ko lang narealize na sobrang nakakahiya, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko.

All this time, sa tagal ng galit ni Jireh sa mga Apostles, kinalimutan nya yun para sa akin pero sa isang bigla, nagbago ang lahat.

Kahit tanga yon, matigas ang ulo ni Jireh at hindi agad magbabago. It means may sinabi si Isly sa kanya dahilan para maging ganun ang reaction nya.

Si Isly ang malaking palaisipan dito, after nya akong kausapin, bigla na lang syang namatay. Para bang ginagago nya ako ng sabihin nya na sya ang papatay sa akin pero nauna pa syang mamatay.

At ang isa pang gumugulo sa utak ko...

"May mali dito..." saad ko kay Cly.

Sigurado ako na mga Apostles lang ang nakakaalam ng pagkamatay ni Isly. Wala kaming access kay Ophiuchus kaya sigurado ako na may tao sya na magsasabi nito sa kanya.

"Isly told me na sya ang papatay kay Ophiuchus"

The words he used, anong ibig sabihin nun? Sya ang papatay kay Ophiuchus as Libra or as himself?

"That means, kilala na nya who is Ophiuchus noon pa"

Posible ang bagay na yun, masyadong nafocus ang utak ko sa may-ari ng red Ferrari enzo na iyon at isa pa, ang sitwasyon namin ni Caleb at Jireh na dapat kong kalimutan.

Hindi ito ang oras para sa mga ganung bagay, kailangang pairalin ko ang utak ko kesa sa nararamdaman ko.

Isly didn't die for nothing.

"But Isly also told me na sya ang papatay sa akin... Kung kilala na nya si Ophiuchus, that also means na predict na din nya ang bagay na ito. Kung gusto nya talaga akong patayin, dapat ginawa nya yun bago sya patayin ni Jireh"

Or pwede din na sinadya nya ang lahat ng ito at nagpabaril talaga sya kay Sungit. Ano ang totoong nangyari nun?

"Maybe what he means sa pag-kill sayo is not physically but emotionally..."

"If he wants to do that, hindi ba mas maganda kung sinabi na lang nya sa akin kung sino si Ophiuchus tutal mukhang ayaw naman sabihin sa akin ni Caleb ang totoo kesa i-sacrifice pa ang buhay nya?"

If that's the case, malapit lang talaga si Ophiuchus sa amin. Kilala nya ito pero hindi nya pwedeng sabihin sa akin ng harapan kaya gumagawa sya ng paraan para isipin ko ang bagay na ito.

"Anong iniisip mo?" si Akagi.

"It makes me think, the Apostle Ophiuchus..."

Ang sabi nya, may mga butas sa lahat ng mga nangyari simula pa noon ng nag-aaral pa kami sa Wimbledon. Kung butas lang din ang pag-iisipan, isang tao lang ang alam ko.

He looks perfect but there are flaws in his moves.

I need to break down lahat ng nangyari noon. I had an accident at nagka-amnesia ako, the first person happened to be there was Caleb then dinala nya ako kay Christine.

That time, the first person na naghanap sa akin was Klio and Persona. Then I went to Ateneo at pumasa sa exchange student program at nakilala ang Helena Gang.

Kilala na ni Caleb ang Helena bago paman ako lumipat sa Wimbledon but then, hinayaan parin nya akong umalis. Ibig sabihin, nang mga oras na yun, may isang tao na lagging nagmamatyag sa kilos ko para kay Caleb.

Then Apostles started to show up and that was also the time na pumasok din si Caleb sa Wimbledon.

The plan was perfect to conceal my identity, para lituhin sila na ako si Bloody Maria but...

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now