8

213 8 3
                                    

Pagkatapos kong mag-expect kagabi na hinanap ako ni Chance, nalate ako ng gising ngayon. Kaya binilisan ko ang paliligo saka ang damit na hinanda ni Ate Crisan ay dress kaya ayos lang. Nagsuot din ako ng flat shoes, nag-ayos ng kaunti bago lumabas ng kwarto. Dumiretso na ako sa limousine kaya pagsakay ko ay umandar na. Muntik na kaming malate dahil sa akin, nakakahiya!


Hindi naman bago sa amin ang magsabay na pumasok. Isang linggo na rin naming ginagawa yon, at magpapangalawang linggo na ngayon. Pagbaba namin, hinihintay na sya ng mga kaibigan nya sa may gate. Kaya bumaba na ako at naunang maglakad.


"Ji!" napatigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. Naglakad sya papalapit sa akin saka tumigil sa harap ko, "Wag ka nang aalis ng sasakyan pagkatapos ng klase mo, naiintindihan mo?"


Tumango ako at agad na naglakad papaalis don. Wow, ibang klase ang pananagalog nga. Tuwid at medyo slang. 


Wala naman akong choice! 


"Jiara George!" napakaway ako kay Cyden. "Bakit?" lumapit kasi sya sa akin. 


"Magpapa-paint kasi ako, okay lang naman kung galing sa customer diba?" ngumiti sya sakin. "Oo naman, mamaya nalang natin pag-usapan male-late ako eh," nagpaalam ako sa kanya saka naglakad papuntang room. 


"Ji, anong nangyari kagabi?" tanong ni Ky sa akin paglabas namin ng room.


"Nine pm na ako nakauwi, sinalubong ako ng mga maid pati magulang ni Chance," ngiwing sambit ko. "Hala! Hinanap ka ba nya kagabi?" nakangiti pang sabi nya.


Nag-expect ako...


Umiling ako saka ngumiting tumingin sa kanya, "Hindi, nasa kwarto na sya pagkarating ko. Nagpapahinga. Tara, gutom na ko, hindi ako nag-almusal," kumain kami ni Kylie habang nag-uusap. Bigla namang umupo sa tabi ni Kylie si Cyden at humarap sa akin.


"Pwede na ba nating pag-usapan?" he smiled. "Sige, ano bang gusto mong ipaint ko?" nakangiting tugon ko. "Hmm, gusto ko ng sunset na pink skies na papuntang orange yung paglubog ng araw," napakamot ako sa ulo, saka ngumiti sa kanya.


"Wait lang, sketch ko." uminom ako ng tubig saka kumuha ng papel at lapis para ipakita kay Cy yung gusto nyang sunset. "Chance, bro!" napatigil ako sa pag-ssketch pero nakabalik agad ako. Naupo naman si Chance sa harap ko saka nagtaas ng kamay. 


"Pink skies pa yung iba, pero palubog na yung araw, ganon?" tanong ko naman habang nag-ssketch. "Oo, ganon," tumango ako saka pagkatapos ng sketching ay pinakita ko sa kanya.


"Ganyan! Kailan ko makukuha?" Tumingin ako kay Kylie, "Next week, Tuesday din." nakangiting sabi ni Kylie.  "Ah, sige. Sa Tuesday ko na rin babayaran. We'll talk nalang," kinawayan nya pa kami saka tumingin kay Chance, "si Cameron?" 


"Susunod daw sya, where are you going?" he looked at Chance, "Bibili ng tubig," Chance just looked at me saka ko binalik ang paningin ko sa ini-sketch ko. "Thank you," nagbow pa sa kanya yung waiter, he slid the food he ordered for me saka ko yon tinignan. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora