3

282 4 0
                                    

"Sorry about Chance attitude," the King smiled.


Katulad ni Prince Chance nagulat din ako. Sino ba kasing maniniwala paggising mo, magiging prinsesa ka? Ano, self? Kaya today? Naiiling ako sa saril kong iniisip. Ano 'to, Princess Jiara of Heliocus, luh patawa yorn? 


Ako ba si Sofia the first?


Bakit naman nag-so-sorry eh, ganon naman talaga ugali non? Antipatiko!   


"Ayos lang yon, Ibarro. Pati rin naman si Ji nagulat," Papa glanced at me then turned his gaze to the King. "Ji, pasensya ka na,"


Tinignan ko ang Hari pati na rin ang Reyna. "Ano... A.. Ayos lang po," saka ako tumungo ulit.


Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin, kasi first time meeting, ampucha, ano ba 'to? Hindi ko alam kung paano pakisamahan ang mga taong ngayon ko lang naman nakita ng personal. Dito kasi sa Heliocus, mahirap silang makita ng personal. Pero, iba si Chance, si Prince Chance kasi nakikita namin sya sa school. Sana all, harapan nakikita. Sana all, char. 


Bumuntong hininga naman agad si King Ibarro saka tumingin sa Reyna at hinawakan ang kamay na nakapatong sa lamesa.


"I'll talk to Chance later," King said with firm voice. "Hija, after you signed the papers, you will be the Crown Princess," napatingin naman ako sa kanila.


"Bakit ho ako?" tanong ko bigla. 


Nagulat din ako sa sinabi ko, minsan talaga hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsasalita ng kung ano ano. Sana okay pa ako.  Hindi ko naman inexpect na magiging Sofia the First ako, sis. Hindi ko rin naman gusto 'to, kung ayaw din ng Prinsipe. Wag na lang.


Okay lang talaga. Salamat sa lahat, char. 


"May.. mga bagay hija, na ang hari lamang ang nakakapagdesisyon. Katulad nalang nitong marriage ng susunod na hari," panimula ng Reyna.


Nakunot ko ang noo ko, bakit sya desisyon? Lol 


Pero, seryoso, hindi naman kailangan lahat sila ang magdedesisyon, okay lang din naman kung hayaan nilang mag-desisyon si Chance. Wow, Chance lang tawag, akala mo namang close kami? Hindi nya nga ako kilala. Tss.  


"Ganon talaga sa una, magugulat, but still, you need to accept your fate. May iniwan kaming sulat sa mga magulang mo noong bago kami umalis ng bansa. Ayun ang kasunduan na ikakasal ka sa anak ko, kahit anong mangyari."


Well, it all make sense, the preparations, every tutorials, even walking like a princess. Kaya pala ganon nalang sila Papa noon. Kaya ganito ako ngayon. Kaya pala lahat nalang inenrollan ko, akala ko gusto lang ni Papa na matuto ako sa lahat, bukod don, magiging Prinsesa pala ako. 


Paano naman kung ayoko ng ganito? Paano ako tatanggi sa kanila, paano ko makakayanang mag-walk out din katulad ni Chance? Nakakatakot, gustuhin ko mang gayahin si Chance, ay wag na lang. Ayokong magalit sa akin si Mama pati na rin si Papa. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Where stories live. Discover now