7

219 7 0
                                    

Ngumiti ako sa mga kaibigan nya saka sila nagtanguan sa akin, "Hello, Princess Ji! Ako si Cameron," ngumiti sya saka siniko si Cy? Kung tama ang pagkakaalala ko ng pangalan. Tinignan ko lang ang sikong siniko ni Cameron saka nagsalita si Cyden. 


"Cyden, Mahal na Prinsesa," awkward akong ngumiti sa kanila saka binalik ang tingin kay Chance. 


"Ano, may session ako, sige ha," tumingin ako sa kanila saka nginitian. "Nice to meet you, Cy, Cam." 


"No problem, Princess Ji!" maligayang sigaw pa ni Cameron. Humarap naman ako kay Chance, "Ano, punta na akong library," tumango sya saka bumalik sa pagkakaupo nya kanina saka ako lumabas ng kwarto. 


Grabe yon, nakakahiya! Hindi naman lahat kailangan alam at kilala ko. 


Kumatok ako sa may library saka pumasok. "Hello po?" lumabas yung babaeng matanda??? Sino sya? Ngumiti sya saka tinuro ang upuan sa harap nya kaya naman umupo agad ako. 


"Princess Jiara George," ngumiti sya. "I'm Queen Mother Alexandra Berenice Regina Perez -Reyes" nanlaki ang mata ko sa haba ng pangalan nya. 


Queen Mother... nakakalula, nakakahiya na kaharap ko sya. Napatungo ako ng bigla saka sya natawa ng mahinhin. 


"You can call me.. Grandmamita, hija," tumango ako saka napatulala sa kanya. "Kinausap ko ang King, sabi ko gusto ko ako ang personal na magtuturo sa'yo tungkol sa lahat ng mga nalalaman ko, sa paglakad, sa pag-inom, sa pag-kain, sa lahat," ngumiti pa sya sa akin  saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Pati na rin ang tamang pananamit," 


Bakit desisyon sya? Pwede namang hindi... hay buhay ginagawa nilang kumplikado, punyeta. 


Tinanong nya muna ako sa mga bagay na alam ko na about our Country, the Palace itself, and kung anong pa ang mga bagay na alam ko under the sun and moon. "Ah, opo, katabing bansa po ng Heliocus ang Brensiara, na pinag-gigitnaan pasulong ng Gervasia at Domaniocus." nakangiti pang sabi ko. 


Nang matapos kami ay binIgyan nya ako ng libro saka sinabihan akong basahin yon, at magkita kami next Saturday for the next session, may meeting pa daw sya with the stock holders of their company. Tumango ako saka nagsimulang basahin ang librong binigay nya dito rin sa library.


Nang matapos ko ang librong pinapabasa sa akin ay tinry kong gawin ang pag-upo at paglakad na sinasabi sa libro saka huminga ng malalim, "Gagi hindi ko kaya 'to," naiiling pang sabi ko.  


I was doing my skin care routine this afternoon when someone knocked on my door. Today was Sunday, I'm about to open the door when my phone rang. Na frustrate ako bigla, binuksan ko muna ang pinto saka ako naglakad patungo sa side table ko.


"Hala, nag-missed call si Kylie," tumikhim ang kumatok sa pinto ko kaya napaharap ako, "Uh,"


"I can.. go back though," he said. "Ha? Ah," napakamot ako sa ulo. "Sige, tapusin ko lang 'to," agad syang lumabas ng kwarto, ako naman ay tinawagan agad si Kylie.

A Royal Contract (Royal Series #1)Where stories live. Discover now