1

789 12 1
                                    

"Jiara George!" napabalikwas ako sa kama saka tumingin sa may bintana.


Ano ba yan, madaling araw palang eh.


"Nandyan na po, Pa!"


"Maligo ka na agad, unang araw mo sa klase!" agad kong narinig ang pag-alis ni Papa sa may tapat ng kwarto ko. Kumilos agad ako saka kumuha ng damit, pants at puting t-shirt lang sa ngayon. Agad kong iniwas ang sarili ko sa mga nagkalat kong masterpiece dito sa kwarto at pumasok ng cr.


Paglabas ng cr, ay agad akong nagpatuyo ng buhok gamit ang blower saka nag-bun. Pagkatapos nag-ayos ako ng konti. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin para tignan kung anong kulang. Paglabas ko ng kwarto, dumiretso akong kusina, nandon na si Mama na inaasikaso ang buong lamesa, habang si Papa ay nagluluto ng agahan. Bagay na aking nakasanayan.


"Anong oras ba ang klase mo, anak?" tanong naman ni Papa pagkaupo ko. "A.. ano ho, alas siyete ho ng umaga," agad akong kumuha ng kanin at ulam para magsimulang kumain.


"San ka nga pupunta ulit?" tanong ni Mama kay Papa habang hinahalo ang kape nya. "Bakit ho? Hindi po kayo papasok ngayon Papa?" lingon ko pa sa kanya. 


"Ah, papasok ako, Ji. Pagkatapos ng trabaho ako aalis. Makikipagkita ako sa bestfriend ko noon, nakauwi na silang Heliocus," nakangiting sabi pa nito.


Heliocus is the place where I lived in, that the sun is always directedly present here in our country, so in the first generation of the royal family, they named our country Heliocus na ang dating pangalan ng bansa namin ay Rhodesiara. 


"Nakauwi na pala sila," tumango si Papa. "Sino po ba, Papa? Si Tito Jared po ba?"


Umiling sya, "Hindi nak, yung isa.  Ako raw ang unang ipinahanap pagkatapak na pagkatapak dito sa Pilipinas." natatawang sabi nya pa. 


"Ah," tumingin ako sa orasan. Bi-biyahe pa ako. "Aalis na ho ako. Baka ho hinihintay na ako ni Mira,"


Tumingin silang dalawa sa akin, "O sya sige. Ikumusta mo ako kay Miracle, ha? Ingat," tumango ako saka kinuha ang bag ko. Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, "Jiara George!" napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko.


Oh, si Mira na pala 'to. "Hi, Mira, kumusta bakasyon?"


"Ang pormal naman ng bestfriend ko!" inakbayan nya agad ako. Mas matangkad sa akin si Kylie Miracle, tanned skin, bilugan ang mga mata, may matangos ang ilong, magagandang labi at hubog ng katawan. Madami syang manliligaw pero lahat yon bina-busted nya. Study first daw sya, ay sus!


"Hindi ah, ang tagal kaya nating hindi nagkita." naglakad pa kami. Inirapan nya pa ako, "Sino ba kasi ang nagbakasyon pa sa ibang bansa para lang makapag-pinta?" 


Napatawa ako sa kanya, "Tara na nga! Male-late tayo." Sumakay kami ng jeep saka ako naglagay ng airpods at nagpatugtog. Ganon din ang ginawa ni Kylie. Pagbaba namin sa tapat ng school ay agad nyang inilingkis sa akin ang braso nya.

A Royal Contract (Royal Series #1)Where stories live. Discover now