"What's the matter?" I asked

"Kamusta ka na pala? Masaya kaba sa kanya?"

Bakit bumalik sa akin yung tanong ko? Hays kahit kailan talaga si Iza.

"Uhm, hopefully yes"

"Wow! Nahiya naman si Lori? Ginusto mo naman siguro iyon"

"Of course not! Si Lori ang mahal ko at alam niyo iyon"

"Bakit ko nga ba siya pinagtatanggol eh galit ako sa kaniya"

Natinag ako sa sinabi niya, galit ba siya kay Lori?

"Ikaw kasi eh!" nagsimula na siyang umiyak.

Anong ginawa ko? Well, alam ko naman na sinaktan ko si Lori pero wala naman akong ginawa kay Iza ah?

"Kung hindi mo siya iniwan, hindi siya aalis" bumuhos na ang mga luha niya..

Pinagtitinginan kami nang mga tao kaya naman pilit ko siyang pinapatahan baka akalain nila na inaaway ko siya.

"What did I do this time?" malungkot kong tanong.

"Aalis nga siya! Hindi ko na mapipigilan iyon" sigaw niya sa akin.

Naiintindihan ko naman ang ganitong ugali niya kaya hindi na ako masasaktan.

"Aalis nanaman siya?"

Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Ibig sabihin ba malalayo nanaman siya sa akin? Pero ano pa nga bang saysay kung nandito siya...

Hindi na naman siya sa akin.

"Yes you heard it right! Nanaman!"

What the heck!

"Wala na rin namang dahilan kung malaman mo, hindi ba? Kasi nga ikaw ang dahilan kung bakit siya aalis"

"Kailan?"

"Kapag ba nalaman mo, mapipigilan mo siya? Hindi naman eh"

Napatayo ako, iniwan ko siya doon. Sabihan na nila ako nang masasakit pero hindi ko nagustuhan ang nalaman ko, na aalis na naman siya. At totoo nga ang sinabi ni Iza na wala akong mababago doon.

Lumipas ang ilang araw matapos naming mag-usap ni Iza.

Hinawakan ko ang keychain na may nakaukit na 'Ina'. Nakatago ito sa ilalim ng kama ko.

Kinuha ko ang maliit na litrato namin. Masayang masaya kami roon. Naka-suot kaming lima nang SpongeBob t-shirt.

***************FLASHBACK***************

12 years ago..

February 15,2008

Nagbihis na ako, birthday kase nang bestfriend ko. Kapag hindi kami pumunta baka umiyak siya tapos hampasin niya kami.

Gusto nang kaibigan ko isuot namin ang SpongeBob na tshirt na pinadala sa amin nang Mommy niya.

Kaibigan ko si Ina. Pero crush ko siyang konti.

Bumaba na ako dahil sinusundo ako nina Ulan at Pito.

"Hoy bakit hindi niyo suot ang SpongeBob?" sigaw ko sa kanila.

"Ngayon ba isusuot? Sabi kasi ni Ulan bukas pa e" sinisi niya si Ulan

"Hindi kaya! Sabi ko ngayon" pangangatwiran niya

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now