Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--

Start from the beginning
                                    

Gayunpaman, bago ko pa man nakasanayan ang isang bagay ay nakaya kong mabuhay ng wala 'yon. So I can change it back to the old rule anytime I want, right?

"Sir, heto na po 'yung drinks niyo." Ibinaba no'ng bartender 'yung tatlong bote ng alak, isang baso at isang bowl na puno ng yelo. "All in highest spirit." Ngumisi siya at bago umalis ay naglapag ng isang glass ash tray sa harapan ko.

"Thanks," I said as I killed off my cigarette on the ash tray. Kinuha ko 'yung tweezers at naglagay ng yelo do'n sa baso. Pinuno ko 'yon ng alakat walang pag-aatubiling ininom ang laman noon. Nalasahan ko din 'yung pait ng likido sa lalamunan ko.

Nagsalin ako ng alak ulit sa baso ko. Ininom ko iyon hanggang sa maubos ko 'yong laman. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga at saka ibinagsak 'yung baso doon sa counter.

Pumikit ako sandalibago ko sindihan 'yung isang stick ulit ngsigarilyo. Pagkatapos ko do'n ay nagpatuloy ako sa pag-inom. Naubos ko na 'yung tatlong bote pero parang hindi parin tumatama 'yung alak sa sistema ko. So I ordered Margarita and refused the salt and lemon offered by the bartender.

Ang kailangan ko lang ngayon ay ang malasing.

Pero bakit nga pala ko naglalasing? Ah, oo nga pala. Shit. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Kung pwede nga lang na bugbugin ko 'yung sarili ko ginawa ko na eh.

Alam ko namang wala akong karapatan pero hindi ko parin maiwasang mailang kanina.Hindi ko naman in-expect na magkakagusto ako kay Cassidy sa loob ng maikling panahon, no'ng mga panahong hinabilin siya sa'kin ni Den.

Kung nasaan siya, nandoon ako. Binabantayan ko siya mula sa malayo, araw-araw, oras-oras. Then one day, I just found myself falling for her. And it wasn't me. It wasn't like me at all.

Isa kong playboy. A player. I've played with girls so many times that I couldn't even remember their names. Laman ako ng bars and clubs tuwing gabi. I flirted with women and when I got so drunk, I brought them to bed.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang sikretong buhay kong ito. Women had been my past time. I flirt, but I don't commit. It wasn't my thing. I didn't want to add more complications to my already fucked up life.

Pero noong nagbagong-buhay kami ng mga kaibigan ko, nabawasan na 'yong bisyo ko. Bihira nalang akong uminom at manigarilyo. I still flirt with women, yes, but that's that. Nothing more.

At noong mga panahong binabantayan ko si Cassidy, tuluyan na ngang nawala ang bisyo ko. Gusto ko kasing masiguradong ligtas siya, hindi lang dahil pakiusap 'yon ni Den, kundi dahil rin habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya. She was beautiful. So beautiful.

Pero sa tingin ko ay nagkamali ako. Dahil masyado kong itinuon ang atensyon ko sa kanya ng ilang buwan, na siya lang ang nakikita at iniintindi ko, kaya naman nagawa ko 'yung katangahang 'to.

Gusto ko nang tumigil. Gusto kong pahintuin 'yung nararamdamang sakit at pagseselos ng puso ko. Dahil unang-una, wala akong karapatan. At pangalawa, mahalaga sa akin si Den dahil kaibigan ko siya. Ayokong masira 'yung pinagsamahan namin dahil lang sa katarantaduhan ko.

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now