Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--

8.7K 183 33
                                    

======> Chapter SIXTEEN -->The Playboy's Secret Life <--

 

[Sander's POV]

Ipinarada ko 'yung kotse ko sa labas ng isang bar. I killed the engine and got out of the car.

Pinapasok ako no'ng bouncer. Kilala na ko nitong si Kalbo. Frequent customer ako dito eh. Ngumisi ako sa kanya habang dumadaan ako sa harapan. Ngumisi din siya atsaka tumango.

Bumungad sa akin ang malakas na tugtog sa loob na lalong pinapasigla ng DJ. Great. My favorite DJ is on the house.

Marami na ring tao ang sumasayaw sa dance floor at kahit sa anong parte ng bar dito sa loob. Naramdaman kong may kamay na humimas sa braso ko. A woman gave me a flirtatious smile, showing that she was interested in me. Pero hindi ako huminto sa paglalakad kaya binigyan ko nalang siya ng isang kindat.

May isa pang babaeng ikinawit ang mga kamay sa likod ng leeg ko. Pero wala akong ganang makipag-usap kahit kanino kaya naman para mapaalis ko na siya, binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa mga labi.

Ngumiti siya at kinagat ang ibabang labi. After a while, umalis na rin siya at naglaho sa may dance floor.

Tumungo ako doon sa may bar counter. Umupo ako doon sa leather na high stool at agad na tinawag 'yung bartender. "Ano po 'yun, sir?" tanong niya habang nagpupunas ng baso gamit ang puting basahan.

"Tatlong beer, please," I said.

"Anong brand po?"

Kinuha ko 'yung wallet ko at naglabas ng isang libo. I tossed the bill on the counter. "The one with the highest percentage." Matagal nang hindi nakakatikim ng alak 'yung katawan ko. At sa tingin ko, kaya ko pang uminom ng dalawa pa bukod sa inorder ko na nasa highest alcohol content na meron sila dito.

Kinuha no'ng bartender 'yung bill sa counter. "Keep the change," sabi ko.

Ngumisi siya sa'kin at saka sumaludo. "Coming right up, sir." Tumalikod na siya para kunin 'yung order ko. I fished for a pack of cigarette inside my jacket's pocket. Dumaan ako sa isang convenience store habang papunta dito.

Kumuha ako ng isang stick at inipit iyon sa mga labi ko. Ibinaba ko 'yung pakete sa ibabaw ng counter at saka sinindihan 'yung yosi sa pamamagitan ng lighter.

I inhaled a mouthful of smoke. Naramdaman ko 'yung pait sa bibig at lalamunan ko. Ibinuga ko 'yung usok pagkatapos ng ilang sandali. It's been a while. Four years ago, adik na adik ako dito. Nakakadalawang pakete yata ako araw-araw.

Pero simula nang nangyari 'yung gulo sa pagitan namin ng Fray Gamma, huminto na ko sa bisyo ko at maging 'yung apat na ugok din na 'yon. Nagbagong-buhay kami at bigla nalang isang araw ay napadpad kami sa field ng modelling. But, shit, ang hirap pigilan ng sarili mula sa nakasanayan. It was like you were depriving yourself your own medicine.

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now